Life! Showbitz

Cristy Fermin umamin kung bakit ayaw patulan ang pang-ookray sa kanya ni Jay Sonza, may konek daw sa pagkain ng mais

Cristy Fermin

Jay Sonza at Cristy Fermin

IPINALIWANAG ng veteran entertainment columnist at TV-radio host na si Cristy Fermin kung bakit kahit nilalait at ninenega siya ni Jay Sonza ay hindi niya ito magawang patulan.

Sa kabila ng masasakit at maaanghang na salita na ipinakakain sa kanya ng nakakulong na veteran broadcast journalist ay never daw talaga niya itong niresbakan sa kanyang mga panulat at programa.

Sa tuwing binibira raw kasi siya ni Jay ay may naaalala siyang isang eksena noon kung saan nakita niya itong kumakain ng mais at tila wala sa kanyang sarili na nakatingin lamang sa kawalan.

READ MORE: Cristy Fermin ibinunyag na ama ni James Reid ang nagpaaresto kay Jeffrey Oh, paano na kaya ang Hollywood dream ni Liza Soberano?

Sabi ni Nanay Cristy, tila umikot na ang mundo sa buhay ni Jay Sonza pagkatapos nitong makisawsaw, mangnega at mang-okray ng mga kontrobersyal na celebrities nitong mga nagdaang mga taon.
Sa latest entry na napanood namin sa YouTube channel ni Nanay Cristy na “Showbiz Now Na”, nagsalita na ang beterana at matapang na kolumnista tungkol sa pag-aresto at pagkakakulong ni Jay Sonza dahil sa mga kasong estafa at syndicated illegal recruitment.

Dito, nasabi nga ng radio at online host na sariwa pa rin sa kanyang isip ang pagkain ng mais ni Jay na siyang dahilan kung bakit mas pinipili niyang huwag nang patulan ang dating partner ni Mel Tiangco sa programang “Mel & Jay.”

“One time po kasi, nagbibiyahe po kami ni Tina, ang aking PA. Umuulang hapon yun.

READ MORE: Rendon Labador nakuratan ni Cristy Fermin: Akala ko patay na ‘to

“Nakita po namin si Mr. Jay Sonza na kumakain ng nilagang mais sa isang sulok ng gasolinahan,” ang pagbabalik-tanaw ni Nanay Cristy.

Aniya, ito yung panahong nakakasama at nakakachikahan pa niya ang dating news anchor sa ABS-CBN compound dahil sa  mga programa nilang “Mel & Jay” at “Cristy Ferminute.”

Patuloy pa ni Nanay Cristy, “Ngayon nang titigan ko po siya…kinakain po niya ‘yung nilagang mais na para po bang napakamekanikal.

“Parang dikta na lang ng utak niya na kainin mo ‘yung mais. Pero ‘yung utak niya bumibiyahe palayo.

READ MORE: Kumakalat na chika tungkol sa mga panty ni Andrea sa condo ni Ricci fake news daw, Cristy Fermin may advice sa basketball player

“Kasi ‘yung mata niya, blank stare. Nakatingin sa kawalan. Lagi ko pong naiisip ‘yun yung pagkain niya ng mais. Kaya kapag ako ay kanyang binibira, di ko siya pinapatulan, hindi ko siya sinasagot,” pahayag pa ng online host.

“‘Yung mga pamimintas niyang ‘Asymptopangit’ na para ba namang gumising siya ng isang umaga, pinanganak siyang pinakagwapong lalaki na siya sa mundo.

“Super-duper to the max ang kagwapuhan para makapamintas ka ng mga taong hindi ka naman pini-personal,” sabi pa niya.

Kaya naman ang paalala ni Nanay Cristy sa lahat, patuloy ang pag-ikot ng mundo at isa sa mga patunay diyan ay ang nangyari sa buhay ni Jay Sonza.

READ MORE: Cristy Fermin naimbyerna sa ‘pakulo’ nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo

“Umiikot po ang gulong ng buhay. Hindi po natin pwedeng sabihin na ang ating lakas, ang ating tapang, laging nasa itaas. Iikot po ‘yan. Kapag umikot at napunta tayo sa ilallim, magtatanong tayo.

“Bakit kaya galit na galit sa akin itong mga taong ito. Siguro dahil sa aking mga pinautang na mga salita,” sabi pa niya.

Nauna nang nagkomento ang mga talent manager at manunulat na sina Ogie Diaz at Nanay Lolit Solis sa mapait na sinapit ni Jay Sonza.

Sabi ni Ogie, sa kabila ng panlalait din ni Jay sa kanya ay awang-awa pa rin siya rito, lalo na sa mga anak nito. Pero sana raw ay matauhan na ito sa kanyang mga pinaggagawa.

Maging si Manay Lolit Solis ay nanghihinayang sa sinapit ni Jay, “Para naman naawa ako kay Jay Sonza, Salve. Hindi ba nakakaawa na sa dati niyang kinalalagyan, ganyan ang magiging ending niya, sa kulungan.

“Wala akong puwede ireklamo kay Jay Sonza dahil naging mabait siya sa akin nuon, sana naman matulungan siya ng mga dati niyang kasama at kaibigan na puwede tumulong para maayos ang anuman gusot na napasukan niya,” pahayag ni Manay Lolit.

TAGS: entertainment, showbiz, TV
Latest Stories
Most Read