Life! Showbitz

Kumakalat na chika tungkol sa mga panty ni Andrea sa condo ni Ricci fake news daw, Cristy Fermin may advice sa basketball player

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

HOT topic pa rin ngayon ng mga Marites all over the universe ang chikang may mga naiwan daw na underwear si Andrea Brillantes sa condo unit ni Ricci Rivero.

Kakalurkey, di ba? Pati panty ni Andrea ginawa nang isyu ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang magkalat ng mga malilisyosong chika tungkol sa mga kontrobersyal na artista.

Napag-usapan ang tungkol sa nakakalokang tsismis na ito about Ricci and Andrea sa “Showbiz Now Na” YouTube vlog nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Gaano nga ba katotoo ang lumabas na chika na galing umano sa kampo ng controversial basketball player ang kuwento ng mga naiwang panty ni Andrea sa condo unit ng kanyang ex-boyfriend.

Ito raw ang pangontra ng mga taong nasa paligid ni Ricci sa pasabog ni Andrea about her ex-boyfriend na hindi nagpapa-laundry o nagpapalaba ng mga damit sa loob ng isang taon.

“Gusto ko lang sabihin, minsan, kung hirap kang mag-move on, kailangan mo talagang isipin ang mga bagay na, ‘Talaga ba? Iiyakan ko ba ‘yung lalaking hindi nagpapa-laundry nang isang taon?’ Gan’un,” ang pasabog ng aktres sa vlog ni Vice Ganda.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin naghakot na ng gamit sa condong bigay ni Willie: Magiging ugat pala ito ng pagkakasira natin

“Nagkalat daw po ang naiwanang underwear nitong si Andrea Brillantes sa unit ni Ricci,” ang pahayag ni Nanay Cristy.

Pero ang tanong, kay Andrea nga ba ang mga nagkalat na underwear sa bahay ng cager. Sey nga ni Romel, “Wala namang pangalan yung mga panty na ‘yon para sabihing kay Andrea ‘yon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sabi naman ni Nanay Cristy, parang gawa-gawa lamang at paninira ang nasabing chika para makaganti ang kampo ni Ricci kay Andrea dahil sa pambubuking nito sa aktor at basketball player.

Payo pa ni Nanay Cristy, sana’y huwag nang magsalita at sumagot pa si Ricci sa mga huling rebelasyon ni Andrea, “Kung ikaw ay isang lalaki na may respeto sa iyong nakaraang karelasyon o sa kasalukuyan, hindi mo yun ikukuwento.

“Hindi yun hinihingi ng edukadong lipunan kasi sinira mo agad yung imahe ng babae,” mariin pang sabi ng premyadong kolumnista at TV-radio host.

Wala pang reaksiyon ang kampo nina Ricci at Andrea hinggil sa isyung ito. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nila.

Luis, Regine, Paolo naloka sa ‘misteryosong panty’ na natagpuan sa loob ng sinehan: ‘Ano nga kaya ang nangyari dito?’

Kakai sa kabataan: Kahit may katulong, kayo dapat ang naglalaba ng panty at briefs n’yo! No to salaula!

TAGS: Andrea Brillantes, Ricci Rivero
Latest Stories
Most Read