Showbitz

Cristy Fermin naimbyerna sa ‘pakulo’ nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo

Separate photos of Cristy Fermin, Jason Hernandez and Moira Dela Torre.

TILA nairita na ang kolumnistang si Cristy Fermin sa diumano’y pang-iingay nina Moira dela Torre at Jason Hernandez.

Lately kasi ay trending ang mga ito matapos kumalat ang chikang muli silang magkabalikan matapos ang halos isang taon nang paghihiwalay noong May 2022.

Sa latest episode ng YouTube vlog ni Cristy na “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Wendel Alvarez, napag-usapan nila ang estranged couple.

Ito ay may kinalaman sa pagpo-post ni Jason ng larawan kasama ang “mystery girl” na sinasabi ng mga netizens na si Moira raw dahil sa pagkakahawig ng singsing at ng bracelet.

‘Bulok na bulok’

Binalikan pa nga noon nina Cristy na nauna raw noong nag-post si Moira ng larawan kung saan kuha mula sa kanyang likod habang may kasamang lalaki.

May mga nag-akalang si Jason ito at nagbalikan na sila na agad namang pinabulaanan ni Moira.

Naiinis na sabi ni Cristy, “Bulok na bulok ang ginagawa ninyong pagpapapansin. Nakakainis lang, ginagawa n’yong tanga ang publiko.”

Ginagawa n’yong tanga ang mga bashers ninyo at lalong ginawa n’yong tanga ang sarili ninyo.”

Hinamon pa nga niya ang dalawa na ipakita sa publiko kubg sino ang mga kasama nito at hindi puro paintrigang larawan ang ibinabandera nito sa social media.

Face reveal

“Face reveal ng hindi kayo nanggugulo ng mga nananahimik. At kung gusto n’yo maging relevant, ipakita ninyo kung sino ‘yang mga kasama ninyo,” hirit pa ni Cristy.

Sapantaha niya, baka raw may bagong kanta na namang iri-release ang dalawa kaya nag-iingay ang mga ito.

“Alam mo may mga ganiyang tao talaga na parang nasa gitna sila ng entablado para mapag-usapan, para maging relevant. Bakit ang laki-laki ng promo ng social media ah?” sabi pa ni Cristy.

“Puwede. Hindi na nga kayo nag-uusap. Ni wala kayong [maayos na] komunikasyon tapos nagdrama pa kayo ng mga ganyan,” hirit pa niya.

RELATED STORIES

Jason Marvin Hernandez says mystery girl ‘saved’ him

Jason Hernandez tuloy tuloy ang pa-‘soft launch’ ng kanyang mystery girl

Moira Dela Torre on her glow-up after split with Jason Marvin Hernandez: ‘I just healed’

Moira: ‘I have never cheated on Jason’

TAGS: couple, girl, Moira Dela Torre, Netizens, Showbiz news, social media, trending
Latest Stories
Most Read