Life! Showbitz

Regine napaiyak habang nagbibigay ng birthday message kay Ogie: ‘Mas mahal ko pa siya ngayon kaysa dati…I’m his biggest fan’

Ogie Alcasid at Regine Velasquez

Ogie Alcasid at Regine Velasquez

IYAK nang iyak ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez habang nagbibigay ng message para sa kaarawan ng kanyang asawang si Ogie Alcasid.

Nag-celebrate ng birthday ang Ultimate Singer-songwriter sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay” last Friday kung saan personal nga siyang binati ni Regine.

Ayon sa singer-actress at TV host, bukod sa pagiging husband, itinuturing din niyang bestfriend si Ogie kaya lahat-lahat daw ay nasasabi at nailalabas niya rito.

“Ako alam naman ito ng asawa ko na I am his biggest fan. In whatever ventures or whatever he wants to do in his life, I will alway be his biggest fan. Alam niya rin ito na mas mahal ko pa siya ngayon kaysa sa dati,” ang umiiyak na sabi ni Regine sa kanyang pinakamamahal na mister.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

Pagpapatuloy pa niya, “I cannot imagine my life not being with him. He’s my best friend. It’s always a wonderful morning waking up next to him.

“One time I was talking to him I said, ‘you know my theory is you’re never really in love 24 hours a day because you know sometimes your partner will do something na, ‘nakakaasar naman ito’.

“But it doesn’t mean na you don’t love him anymore, hindi ba?’ Kasi ‘yun ang foundation namin, ‘yung love namin sa isa’t isa. But do you know what he said to me, he said walang oras o walang time ever in his life since we got together na naramdaman niyang hindi niya ako mahal.

“I love you honey and you know this. I dont’ think I will be able to function the way I should if I don’t have you. I love you so much,” mensahe pa ng Songbird.

Abot-langit naman ang pasasalamat ni Ogie sa Diyos dahil ibinigay sa kanya si Regine, “Totoo naman may pagkakataong may tampo ako sa iyo pero alam mo ‘yung tampo na ‘yon ay dala ng sobra mong mahal ‘yung tao.

“Ako, lubos akong nagpapasalamat kasi biniyayaan ako ng isang katulad mo rin. Alam natin ang kahinaan natin. Alam natin kung saan tayo medyo kulang.

“May nagsasabi na you complete me. Ako hindi ako naniniwala roon. We are really both incomplete but together we are just one, you know. There won’t be a moment that I won’t choose you,” sey ng “It’s Showtime” host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

Dagdag pa niya, “Ang hirap isipin na ang dami nating pinagdaanan, makakarating lang pala tayo rito, ‘di ba? Matalinhaga talaga ang buhay at hindi natin alam at hindi ko ninanais na gayahin ‘yung ginawa namin sa buhay namin.

“But this is what I know for sure that He had planned everything for us and He had planned for us to be who we are today so that we can be something to some people.

“I don’t want to say anything big about it but kung mayroon mang pagkakataong naka-inspire kami sa inyo, nakakataba po ng puso ‘yun,” sey pa ni Ogie.

RELATED STORIES

Ogie, Regine nag-date sa ospital, payo sa mga tulad nilang ‘pa-senior’ na: ‘Ugaliin po nating gawin ang pagpagpa-medical’

Ogie Alcasid, Regine Velasquez reunite with Michelle van Eimeren, kids after 3 years

TAGS: birthday, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Showbiz news
Latest Stories
Most Read