Life! Showbitz

Coleen ibinuking ang pinakamatitinding away nila ni Billy: ‘They used to be so bad, like aabot sa presinto ng BGC, mati-TV Patrol kami at 24 Oras’

Billy Crawford at Coleen Garcia

Billy Crawford at Coleen Garcia

KUNG noong nagde-date pa lang sila ay grabe raw talaga ang kanilang pag-aaway, ngayong mag-asawa na sina Billy Crawford at Coleen Garcia ay ibang-iba na.

Inalala ni Coleen ang insidenteng kinasangkutan ng kanyang asawa na naganap noong September 7, 2014 kung saan nagwala nga ang aktor at TV host sa isang presinto dahil sa sobrang kalasingan.

Naging headline pa ito sa mga news program at mga dyaryo. Nag-sorry naman agad si Billy sa nangyari at inaming siya talaga ang may kasalanan.

Sa guesting ng celebrity couple kamakailan sa “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong sina Billy at Coleen kung ano ang pinakamatinding away na nangyari sa kanila as a couple.

“Are there times in your life that you just can’t stand each other?” ang question ni Tito Boy kay Coleen.

‘They used to be so bad’

“I will be honest, they used to be so bad, like aabot siya sa precinct ng BGC. Mati-TV Patrol kami, 24 Oras.

“Pero now, it’s the daily frustrations or yung emotion or inis or hindi nakakain, yung ganoon lang. A lot of things that contribute to a bad mood,” ang pahayag ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

“Thanks guys, ha?” ang natatawang hirit naman ni Billy sa naging pahayag ni Coleen.

Technique

Pero seryosong sabi ni Billy, “If I may, the technique there is you have to understand your partner, a lot more than you used to.”

“Kasi when we used to date, obviously, I was more of the, ‘Yeah, yeah, I know what I’m doing, blah blah blah.’ But once you have a family, once you have a partner, I got married to Coleen, there’s something else that every time…she’s younger than me, she’s ten years younger than me, but I learned so much more by listening to her,” sey pa niya.

“I understand na hindi puwedeng sabayan ‘coz she’s gone through so much.”

“She’s sacrificed so much more than as I meant,” paliwanag ng isa sa mga coach ng “The Voice Generations” ng GMA 7.

RELATED CHIKA

Billy ibinuking si Coleen: Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ang asawa ko!

Coleen sa isyu ng selosan sa kanila ni Billy: ‘Dinadaan na lang namin sa joke, parang hirit-hirit lang pero minsan may laman’

Billy pumapasok noon sa ‘It’s Showtime’ nang lasing; muntik nang hindi matuloy ang kasal nila ni Coleen

 

TAGS: Billy Crawford, boy abunda, Coleen Garcia, couple, Showbiz news
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.