“DELIKADO talaga ang pagmo-motor!” Yan ang ginawang pag-amin ng Kapuso actor-TV host na si Zoren Legaspi na isa ring proud motorcycle rider.
Alam daw niya na palaging nasa peligro o panganib ang mga nagmamaneho ng motor dahil hindi mo naman talaga masasabi o makokontrol kung kailan mangyayari ang isang aksidente.
Ngunit pahayag ng mister ni Carmina Villarroel, nagiging delikado lamang ang pagsakay at pagmamaneho ng motorsiklo kung kulang sa kaalaman o wala talagang proper training ang isang rider.
“Ang pagmo-motor naman kasi delikado naman talaga ‘yan. Pero kung marunong ka hindi siya delikado, promise,” sey ni Zoren sa nakaraang episode ng “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition.”
Patuloy pa niyang paliwanag, “If you know what you’re doing and you’re well-trained hindi siya delikado. Nagiging delikado lang ‘yan kapag hindi ka talaga marunong at kung reckless ka.”
Samantala, may mga tips at advice ring ibinahagi ang Kapuso actor sa mga misis o dyowa ng mga motorcycle riders.
“‘Yung mga misis dapat hindi sila masyadong, ‘Saan ka na? Bakit hindi ka pa umuuwi?’ Lalong madidisgrasya ‘yung mga asawa ninyo kapag ganyan.
“Kapag nagmo-motor ang sasabihin n’yo lang, ‘Sige, umuwi ka ng safe ha.’ Yung mga ganu’ng paalala malaking bagay talaga yun sa mga rider para lagi nilang maaalala habang nagmamaneho sila,” sabi pa ni Zoren.
Nito lamang nakaraang buwan, ibinalita rin ng tatay ng kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi ang tungkol sa bago niyang tungkulin bilang miyembro ng highway patrol group o HPG.
Sa isang panayam, ibinahagi rin ni Zoren kung bakit napakahalaga ng pagti-training bago magmaneho ng motorsiklo, lalo na sa lahat ng mga gumagamit nito araw-araw.
“Huwag silang manghihinayang mag-training. Because ‘pag may motor ka, you’re excited. You’re excited to go out there, you’re excited to have fun, excited to ride your bike.
“You’re just excited and then malilimutan mo, ‘Teka, ano nga ba ang tamang pagmomotor?’” paalala pa nito.