Celebrities

Julia, 2 pang kapatid may isyu na naman kay Dennis; dedma sa Father’s Day

MUKHANG hindi na ulit okay ang relasyon ni Dennis Padilla sa mga anak niyang sina Julia, Claudia at Leon dahil wala kaming nakitang post na binati siya ng mga ito ng “Happy Father’s Day” noong Linggo.

Ang ipinost ni Julia ay mga larawan nilang magkakapatid noong bata pa kasama ang ina at ang larawan nila ni Ian Veneracion na nakahilig siya sa balikat ng aktor na gumanap na daddy niya sa teleseryeng “A Love To Last” noong 2017.

May nagsabing mabuti pa raw ang aktor na hindi niya kaanu-ano ay naalala ng aktres, “Mabuti pa si Ian Veneracion kasama ang picture sa post, si Dennis wala.”

Ipinagtanggol naman ng ilang netizens si Julia na nagsabing alamin muna ang dahilan kung bakit walang post ang dalaga para sa kanyang ama. Narito ang ilang komentong nabasa namin sa social media.

“We should not just comment like that. We do not know the real story. We don’t even know what really happened to their father. What I know is he has a first family, sila Julia ay 2nd lang.”

“Yes. Yan ang sabi ng family niya, if ganyan pala ang well raised pano na tawag sa brothers and sisters ko. Holy?”

“Wala kayo alam sa tunay n nangyari sa family life nya kaya wag kayong manghusga.”

“Then Julia is wondering bakit dami nya bashers. Minsan tignan mo din sarili mo. Tatay mo yan Julia. Tatay mo. Bkit nagmamalaki ka? Kung wala sya wala ka sa mundong ito kung wala ka? D mo mkikilala si Gerald na mhal na mahal mo. Bottomline maging thankful k pa din sa tatay mo. Ayaw mo sa haters eh ikaw mismo hater ng saril mong tatay. Wake up!”

Ang iba naman ay si Dennis ang sinisisi dahil nagkaayos na nga raw sila noong may one-on-one interview silang mag-ama pero mukhang may sablay na namang ginawa ang komedyante.

“Selfish ‘yung Dennis Padilla. Sana naging mabuti kang ama para nabati ka. Do not invalidate all the years na hindi ka naging ama sa mga anak mo. Ngayon na-realize mong madami ka pagkakamali ang ine-expect mo tanggap ka agad ikaw pa masama loob?”

“Nakakabwiset naman kasi talaga ‘yung ama. Panira. Hindi na nga good provider wala pang ginawa kundi hilahin pababa mga anak.”

“Kung hindi sana naimbento ‘yang mga pautot na mga Happy Happy Day na yan e wala na sanang naging problema pa itong si Julia sa pressure na me mai-post.”

“Lahat naman silang magkakapatid walang post for their Dad. Even the eldest (Dani) no post for Kier Legaspi.”

“But none of the other kids use their dads for their PR stunt so most people don’t raise an eyebrow as much.”

“Kasalanan naman ni Dennis he never let his child heal. ‘Yung moment na ‘yun, chance na ‘yun nailabas na ang tinatagong sama ng loob then what? Balik paawa hayyz.”

May nagsabi rin na sana’y hindi na lang nagkaroon ng pag-uusap ang mag-ama na in-upload sa YT ng aktres na sa kalaunan ay tinanggal din.

“Sana hinde na lang siya gumawa ng YouTube video with her dad no? Tapos tinanggal pa niya. Tapos ito pa. Masakit ito sa tatay ha akala mo okay kayo pero hinde naman pala.”

TAGS: Dennis Padilla, Father's Day, Jula Barretto
Latest Stories
Most Read