Celebrities

Vice Ganda mas wais na sa pera: Hindi na ako magiging poor uli

PANGAKO ni Vice Ganda sa kanyang sarili, mas magiging wais na siya ngayon sa paggastos sa kanyang pera dahil ayaw na niyang maghirap uli.

Inamin ng Phenomenal Box-Office Star na sobrang lala niyang mag-shopping noon lalo na sa mga sikat na brand.

Sumusumpa ang TV host-comedian na nabawasan na ang paggastos niya nang bonggang-bongga nitong mga nagdaang buwan, talagang may itinatakda na siyang budget para sa kanyang pagsa-shopping.

“Hindi na siya as lala as before. Dati talaga ang lala, eh. Especially when I finished the house, nung binayaran ko na lahat ng kailangan kong bayaran sa house, tapos wala naman na akong pagkakagastusan,” pahayag ni Vice sa isang panayam na naka-upload sa YouTube.

Nilinaw din ng partner ni Ion Perez na bumibili talaga siya ng mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya dahil feeling niya deserve naman niya ito sa walang tigil na pagtatrabaho.

Patuloy pa niyang chika, “May bahay na ako, may sasakyan na ako, okay naman na ‘yung family ko. Sabi ko kung ano na lang ‘yung mga little things na makakapagpasaya sa akin, I will purchase.”

Paliwanag naman ng komedyante, sa kabila ng tindi ng kaniyang paggastos, hindi naman aniya siya sumusobra sa itinakda niyang budget sa pamimili.

Ngayon daw ay sinisiguro rin niya na hindi siya gagastos ng kalahati ng tinatanggap niyang sweldo o talent fee sa isang araw. Aniya, iba raw kasi talaga ang kaligayahang naibibigay sa kanya ng pagsa-shopping.

“I still buy, kasi one, it gives me joy and why not give myself joy? Second, it does not affect my finances.

“Hindi ko pa naman siya ikinahihirap, if it will make me stylish but poor, I will stop. I want to be stylish, but I don’t want to be poor. I will never be poor again. I try to be very smart when spending,” paliwanag pa ni Vice.

Paliwanag pa niya sa nasabing panayam, para rin naman sa kanyang trabaho kaya siya buy nang buy ng damit, lalo pa’t araw-araw siya sa “It’s Showtime.” Hindi raw talaga siya nag-uulit noon ng damit  sa telebisyon dahil talagang napapansin ng viewers.

“‘Yung mga netizens din nakakaloka alam nila ‘yung date, alam nila ‘yung episode, ire-repost nila,” sey ni Vice.

In fairness, hindi naman daw nasasayang ang sandamakmak niyang damit, “Hindi rin talaga siya naiipon kasi kinukuha ng mga kaibigan ko. ‘Di ko talaga siya nauulit sa TV.

“E, since everyday ang show ko, so ang dami kong binibili talaga. Pero ngayon nag-uulit na talaga. Pero bumibili pa rin ako,” chika pa ng TV host at komedyante.

TAGS: ayaw maging poor uli, shopping, Vice Ganda
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.