Celebrities

Jeric Raval umabot sa 18 ang anak mula sa 6 na babae; pangarap maging rapper noon tulad ni Francis M

KUNG susumahin, umabot sa 18 ang naging anak ng action star na si Jeric Raval mula sa iba’t ibang babae na nakarelasyon niya.

Aminado si Jeric na talagang lapitin ng mga girls ang mga action stars, base na rin sa personal niyang experience pati na rin sa mga nasaksihan niyang karanasan ng mga kapwa niya aktor na sumabak din sa maaaksyong pelikula noon.

Nagkuwento si Jeric sa programang “Tunay Na Buhay” ng naging buhay niya noong dekada 90 na siyang kasagsagan ng kasikatan niya sa showbiz.

Aniya, naging kasabayan niya sa pagiging action star noon sina Raymart Santiago at Zoren Legaspi. In fairness, ikinukumpara pa siya that time kay Robin Padilla, na isa nang kinikalang superstar noon.

Sa tanong kung lapitin ba talaga ng babae ang mga action star, natatawang sey ni Jeric, “Sa mga nakita ko na mga nauna sa aking action star, sila…lapitin sila.”

Dito na nga niya nabanggit na 18 ang kanyang anak mula sa anim na babae. Isa na riyan ang sexy star na si AJ Raval na bumida na sa sexy-comedy movie na “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar”.

Inamin ni Jeric na hindi niya sinuportahan ang nasabing pelikula ng anak, “Noong una natutuwa ako sa pagpasok niya sa showbiz, very supportive naman ako.

“Kaya lang ang ‘di ko lang sinuportahan yung movie niyang ano, yung Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar,” ani Jeric.

Samantala, hindi naman daw nagduda si Jeric na sa kanya talaga ang 18 na anak at hindi na raw niya ipina-DNA ang mga bata.

“Pagpalagay mo hindi mo anak pero in-acknowledge mo, natuwa di ba (yung bata)? Nabigyan mo ng kasiyahan.

“Eh, halimbawa na anak mo pala talaga ‘yan tapos idinenay mo, eh ‘di napasama mo pa ang kalooban ng anak mo,” katwiran ng aktor.

Pero knows n’yo ba na ang talagang pangarap noon ni Jeric ay ang maging rapper na tulad ni Francis Magalona ngunit napunta nga siya sa pagiging action star.

TAGS:
Latest Stories
Most Read