Celebrities Life!

Derek, Ellen, Rose Van Ginkel ayaw pang magpabakuna pero todo ang pag-iingat kontra COVID

magpabakuna

Rose Van Ginkel, Maui Taylor, Derek Ramsay at Ellen Adarna

KUNG marami nang local celebrities ang nagpabakuna kontra COVID-19, may ilan pa rin na wala pang balak  na magpaturok sa ngayon.

Kabilang na nga riyan ang engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna at ang Viva Artists Agency talent na si Rose Van Ginkel na bibida na sa sexy-comedy film na “69+1”.

Sa isang panayam, nabanggit ni Derek na nagdesisyon sila ng kanyang fiancée na huwag munang magpaturok ng COVID-19 vaccine dahil meron pa rin silang agam-agam hinggil dito.

Ngunit siniguro naman ng Kapuso hunk actor na ginagawa nila ang lahat ng pag-iingat ngayong panahon ng pandemya tulad ng pag-inom ng vitamins at regular exercise.

“Hindi pa kami convinced with everything about it. But I don’t want to talk about it because that’s our decision, di ba? Hindi pa kami comfortable to get vaccinated.

“That’s why we really, really work hard on boosting our immune system. Hindi naman kami masyadong lumalabas. Pero we always take our vitamins. We really invest in our vitamins,” katwiran ng aktor.

Samantala, sa virtual mediacon naman ng pelikulang “69+1” kamakalawa na pinagbibidahan nina Maui Taylor at Janno Gibbs, inamin ng co-star nilang si Rose Van Vinkel na hindi pa siya desidido na magpabakuna kontra COVID-19.

“Hindi po ako nagpapa-vaccine kasi hindi po ako mahilig sa gamot. Ang pagkakakilala ko sa gamot, para sa mga may sakit, so magte-take lang ako ng gamot kapag may sakit ako.

“Kahit may sakit din ako, parang hindi ako agad-agad nagte-take ng gamot. So, hangga’t kaya kong maggamot, hindi po talaga.

“Since may vaccine po, iniisip ko na wala naman akong sakit, bakit ako magpapa-vaccine?” pahayag ng sexy star.

Hirit naman sa kanya ni Janno, “Aha, anti-vaxxer ka, anti-vaccine ka.” Natawa lamang si Rose sa reaksyon ng komedyante.

Sabi ni Rose, maswerte raw siya ngayong pandemya dahil  nagsunud-sunod raw ang mga pelikula niya za Viva — nakasama siya sa “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar”, “Gluta,” “Revirginized,” at “69+1.”

“Ito nga, nang mangyari ang pandemic na ‘to, parang naging big thing siya sa akin kasi dito ulit ako nag-start na lumabas.

“Itong pandemic thing, isa po ito sa blessing na dumating sa akin dahil ang daming nangyari,” chika pa ng sexy star.

TAGS: Derek Ramsay, Ellen Adarna, Maui Taylor, Rose Van Ginkel
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.