Mommy Dionisia worried sa pagtakbo ni Manny Pacquiao: Baka maubos ang kwarta

By: Therese Arceo Bandera - Inquirer Bandera | February 11,2022 - 11:56 AM

NAG-AALALA ang ina ng Pambansang Kamao na si Mommy Dionisia para sa kanyang anak na si Sen. Manny Pacquiao na kasalukuyang tumatakbo sa pagkapresidente sa darating na May 2022 elections.

Isa rin siya sa mga nagbigay ng pahayag sa ginanap na proclamation rally ng anak sa Oval Plaza Grandstand ng General Santos nitong February 8.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao)

Nagbaliktanaw si Mommy Dionesia noong mga panahon na unang beses pumasok si Sen. Manny sa pulitika na talaga namang umubos umano ng “sako-sakong” salapi ng anak.

“Noong tumatakbo pa siya for the first time dito sa General Sabtis, umiyak ako kasi ilang sako na ng pera ang nakita kong nawala,” saad ni Mommy Dionesia.

Aniya, agad raw itong napansin ng ka yang mga kaibigan na nag-aalala rin daw sa kanila dahil baka nga maubos ang kanilang pera.

“Sabi pa ng mga amiga ko, ‘Mommy, ang anak mo bigay nang bigay ng pera. Baka maubos ang kwarta’,” dagdag pa ni Mommy Dionisia.

At ngayon ngang ang pinakamataas na posisyon ang gustong makamtan ni Sen. Manny Pacquiao ay biniro niya ito na baka mas malaki pa sa tuna ng General Santos ang magastos na pera ng kanyang anak.

“Ito presidente na! Sabi ko, ‘Manny, iba na talaga ito kasi buong bansa na, mas malaki pa sa bariles ng Gen San!” pabirong saad ni Mommy Dionisia.

Wala namang nagawa si Sen. Manny kundi ang matawa na lang sa mga sinabi ng kanyang ina. Maski ang mga kasama nito sa stage at ang mga taga-suporta na present sa kanyang proclamation rally labis na naaliw sa ina ng Pambansang Kamao.

Sa kabila ng pagbibiro ni Mommy Dionisia ay bakas naman ang labis na suporta nito sa desisyon ng kanyang anak.

Aniya pa, handa siyang tulungan at suportahan ang anak sa kanyang laban para sa pinakamataas na posisyon sa buong bansa.

Sa huli ay nagpasalamat ito sa lahat ng mga sumusuporta sa anak.

Related Chika:
Secret fantasy ni Enchong, ‘kinky stuff’ sa eroplano; Erich 4 ang gustong anak

Sharon nagpakita ng suporta sa pagtakbo ni Sen. Kiko sa 2022: I’m here for you and I love you!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: Manny Pacquiao

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.