Cindy Miranda naadik at naghabol na sa lalaki, ipinagpalit sa iba: Masakit kasi hahanapin mo yung mali sa sarili mo… ‘Ano yung wala ako na meron siya?’
NAGPAKATOTOO ang aktres at dating beauty queen na si Cindy Miranda sa pagsasabing “naadik” na rin siya noon sa lalaki at sa usaping love.
Yes, yes, yes mga ka-Marites! Naaalala pa ng dalaga kung paano siya naging “adik” sa pag-ibig kasabay ng pag-aming talagang naghabol pa siya sa lalaki dahil sa sobrang pagmamahal niya rito.
Yan ang diretsahang pag-amin ni Cindy sa naganap na presscon ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Adik Sa ’Yo” kung saan makakatambal niya ang napakagaling na Kapamilya actor na si JM de Guzman sa kauna-unahang pagkakataon.
“Literal na hinabol ko po yung lalaki, parang si Joy (character niya sa Adik Sa ‘Yo). Medyo bata pa ako nu’ng mga panahon na yon. Ayon, hinabol ko po. Iiwanan ako, eh, so hinabol ko,” kuwento ni Cindy.
View this post on Instagram
May nagkomento naman na sa ganda niyang yan ay iniwan pa siya ng lalaki, “Ang saklap nga po, eh. I think, sa pagmamahal wala pong pinipili talaga, eh. Maganda ka, guwapo ka o kung ano ka man palagi kang masasaktan.”
Kinukuwestiyon din daw niya ang sarili kung ano ang mali at kulang sa kanya at iniwan siya ng dating dyowa. Ibinigay naman daw niya ang lahat sa kanilang relasyon.
“Palagi kong sinasabi, ‘Pangit ka kasi kaya ka hindi gusto.’ Ha-hahaha! Ako naman po, nabubuhay naman po ako sa totoo, sa reyalidad. Maraming mas maganda sa ’yo. Maraming mas talented sa ’yo. Maraming mas may K sa ’yo. Palagi kang papalitan at papalitan.
“Pero palagi kong sinasabi sa sarili ko, ‘Kahit iwanan ako nang iwanan nang iwanan pa, mag-stick ka lang sa sarili mo,” aniya pa.
Mas na-insecure pa raw si Cindy nang makita ang itsura ng ipinalit sa kanya ng dating BF, “Siyempre, masakit. Masakit po. Ang pangit sabihin na mas maganda ako sa kanya o hindi.
“Masakit kasi hahanapin mo yung mali sa sarili mo kahit ayaw mong ikumpara yung sarili mo du’n sa tao. Hahapin mo, ‘Ano yung wala ako na meron siya?’” aniya pa.
Sa tanong kung ano ang natutunan niya sa pagkabigong naranasana niya, “I realized, hindi, hindi ako yung may kulang. Siya lang yung hindi nakakalita nung meron ako.
“And feeling ko, God’s plan po. After that, you’ll meet someone better, someone who can make you happier, and make you laugh, I think, yun lang naman po yung sa akin. Palaging, ‘Ah, kaya pala kami naghiwalay kasi may mas mami-meet pa ako,’” sabi pa ni Cindy.
Paglilinaw naman ni Cindy, matagal na itong nangyari at hindi siya heartbroken ngayon, “I’m not even heartbroken this time. It’s just pag binabalikan ko po, maybe I’m just so thankful na wala na ako sa relasyon na yon.
“And thankful ako na, whatever, iniwan ako, pinagpalit ako, I think I’m happy kung nasaan po ako ngayon. Nandito po ako, may movie ako, I am happy,” paniniguro pa ng dalaga.
View this post on Instagram
Samantala, ang maadik sa kahit anong bagay ay hindi magandang gawain. Malulong sa droga, sa materyal na bagay, bisyo o pera man — kapag sobra na, nakakasama na.
Pero kung meron pang mas malala pa sa pagkaadik sa isang bagay, ito ay ang maadik sa isang tao.
Ang mahulog nang sobra sa isang tao ay bibigyan ka ng kaligayahan na hindi mabibigay ng kahit anong droga o materyal na bagay, pero kaya rin nitong wasakin ang pagkatao mo higit pa sa pagsirang kayang gawin ng masamang bisyo.
Alamin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-ibig at kung bakit ito nakakaadik sa pelikulang “Adik Sa ‘Yo” na mapapanood na nationwide simula sa April 19.
Kilalanin si Paulo (JM), isang drug addict na labas-masok sa rehab. Kilalanin din si Joy (Cindy), adik naman kay Paulo. Matagal nang magbestfriends ang dalawa, at matagal na ring may tinatagong feelings si Joy para kay Paulo, at lahat gagawin nito basta para sa kanya. In short, marupok si Joy pagdating kay Paulo.
View this post on Instagram
Sa muling pagsubok ni Paulo na ayusin ang buhay niya, kagaya ng dati ay andyan lang lagi si Joy, handang tumulong sa kahit anong paraan.
Mapansin na kaya ni Paulo ang feelings ni Joy at suklian ang nararamdaman nito? At ngayon ay mas piliin na lang na maadik sa pagmamahal ng kanyang best friend?
O, panahon na ba para isuko ni Joy ang nararamdaman para kay Paulo? At makita na mas marami pang bagay ang pwede niyang pagtuunan ng pansin kesa ubusin ang oras sa kaibigan?
Isang romance movie mula sa direksyon ng Gawad Urian at FAMAS nominated director na si Nuel Naval, na kilala sa paggawa ng mga pelikulang tatagos sa puso kagaya ng “More Than Blue” at ng Philippine adaptation ng “Miracle in Cell No. 7.”
Makakasama rin sa movie sina Meg Imperial, Nicole Omillo, Andrew Muhlach at Candy Pangilinan.
RELATED STORIES
Cindy Miranda nagsalita na sa balitang siya ang dahilan sa hiwalayang Aljur at Kylie
JM De Guzman and Arci Muñoz to star in new teleserye
JM de Guzman, Alessandra de Rossi headline Cebuano director’s film
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.