Celebrities

JM De Guzman crush na crush si Donnalyn Bartolome, hirit ng netizens: ‘Lagyan na ng label yarn!’

JM De Guzman crush na crush si Donnalyn Bartolome, hirit ng netizens: ‘Lagyan na ng label ‘yarn!’

MARAMING netizens ang kilig na kilig sa latest post ng aktor na si JM De Guzman.

Paano ba naman kasi ay halos ipagsigawan na niya sa social media na may crush siya sa actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Ibinandera mismo ng actor ang selfie picture ni Donnalyn na tila walang makeup.

Kalakip din niyan ang caption na, “#crush” at nilagyan pa ng smiling face with heart eyes emoji.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman)

‘Lagyan na ng label yan’

Napa-comment sa nasabing post ang maraming netizens at hindi na napigilan ang pagkakilig sa dalawang celebrities.

“At tinapos na nga po ni anteh donnalyn ang pila [laughing emoji],” sey ng isang nag-comment.

Lahad pa ng isang IG user, “Ay lagyan na ng label yan! [red heart emojis].”

May nagsabi pa na, “Wala na, finish na!  finlex na ‘yung baby niya [red heart emoji].”

Kamakailan lamang ay may inamin ang aktor tungkol sa kanyang lovelife.

ALSO READ: JM de Guzman nabaliw dahil sa babae, sinaktan ang sarili: ‘Matindi akong magmahal, kaya nu’ng nawala siya… sobrang sakit’

Hindi niya ito pinangalanan, pero sinabi niya na may kinaaadikan daw siya.

Bagong love

Ibinunyag pa niya na kasalukuyan niya itong nililigawan at isang taon na raw niyang sinusuyo.

Paliwanag pa niya kung bakit niya nagustuhan ang bago niyang love.

“Tinuturuan niya ako kung paano magmahal nang maayos. Sobrang inspiring siya na tao,” sey niya.

Matatandaan noong Oktubre ng nakaraang taon nang unang umamin si JM na may gusto siya kay Donnalyn.

“May gusto ako sa kanya. Isa niya akong tagahanga. Nanliligaw? Sana, nagpaparamdam,” ang pahayag ni JM sa dating panayam.

RELATED STORIES

Is JM de Guzman ready to make a comeback?

Donnalyn Bartolome amid criticism on ‘kanto birthday party’: ‘Not just a concept, this was my life

Paolo Contis on ‘quiet’ relationship with Yen Santos: ‘It’s sad na super na-demonize kami’

TAGS: crush, JM de Guzman, Showbiz news
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.