Mga taong malapit kay Cristine botong-boto kay Marco: ‘Deserve niya ang lalaking paninindigan siya’

By: Reggee Bonoan - Bandera | May 08,2023 - 05:49 PM

An intimate beach photo showing Cristine Reyes and Marco Gumabao.

Cristine Reyes at Marco Gumabao

MAY mga nakatsikahan kaming naging parte ng buhay ni Cristine Reyes at masaya sila para sa aktres sa relasyon nito kay Marco Gumabao.

Masaya dahil pagkalipas ng ilang taong pagiging single simula nang mahiwalay sa asawang si Ali Khatibi ay nakatagpo na siya ng lalaking magmamahal sa kanya at sana for good na.

“Deserve naman ni AA (palayaw ni Cristine) na sumaya after all ng nangyari sa marriage niya. Wala tayong narinig sa kanya simula nang mahiwalay siya sa asawa niya puro lang siya work nang work para mabigyan ng magandang buhay si Amarah.”

“Boto naman ang lahat sa kanila ni Marco na matagal ding single kaya bagay sila at sana maging maayos ang relasyon nila. AA deserves a man na kaya siyang tindigan at maintindihan siya,” ang palitang pahayag ng dalawang taong naging malapit sa aktres.”

Dagdag pa, “Noon kasi pabigla-biglang mag-isip si AA kapag gusto, gusto, pag ayaw-ayaw. Ngayon hindi na.”

Natanong namin kung may matatawag bang “the one that got away” o TOTGA si Cristine.

“Ha-hahaha! Siya ang dapat mong tanungin. Kung meron man hindi na importante ‘yun dahil as long as masaya sila ni Marco baka si talaga ang destiny,” masayang sagot ng isa sa taong naging malapit sa aktres.

ALSO READ:

Cristine Reyes after ‘totropahin’ remark on Marco Gumabao resurfaces: ‘Definitely not tropa anymore’

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: Showbiz news

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.