HAMON kung hamon ang ginawa ng kontrobersyal na motivational speaker na si Rendon Labador sa mga kilalang celebrities at social media influencers para sa isang “no holds barred” podcast.
Partikular na tinukoy ni Rendon ang mga “laos” na artista sa kanyang talakan challenge para raw magkaalaman na kung sino talaga ang matatapang at palaban.
Isinama na rin ng social media personality ang lahat ng mga influencers na walang takot na sumabak sa “real talk” na harapan at debate para sa kanyang podcast.
View this post on Instagram
Napanood namin ang video na ipinost ni Rendon sa kanyang Instagram Stories kahapon, May 17, at talagang namang ibinandera niya rito ang matinding challenge na gusto niyang mangyari.
Podcast tayo
“Sinong artista dyan ngayon ang willing humarap sa akin. Real talkan tayo. Podcast tayo. Gusto nyo makarinig ng totoong podcast? No holds barred? Walang filter? Ano? O, sinong gusto diyan,” ang simulang paghahamon ng negosyante.
Dagdag pa niya, “Sinong artista dyan ang may b*yag humarap sa akin? Podcast tayo! Tag n’yo ko para magkaalaman. Manonood ang sambayanang Pilipinas.
Patuloy pang paghahamon ni Rendon, “Sinong laos dyan? O, gusto niyong sumikat? Dito ka! Ri-real-talk-in kita, ano?!”
Hirit pa niya, “Palibhasa kasi yung mga show n’yo walang kwenta, mga bulok, puro script, hindi raw. Ano, wasakan tayo ng dangal.”
Banat pa ni Rendon, “Kahit influencer na. O baka may matalinong influencer din dyan. O, artista, influencer, lahat na magsama-sama na kayo d’yan.
View this post on Instagram