PATULOY ang pagdedebate ng ilang personalities at celebrities sa naging “laos statement” ng motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador.
Umabot pa nga sa punto na nagkasagutan na ang komedyana na si Tuesday Vargas at isa pang socmed personality na si Valentine Rosales.
Naunang naghayag ng komento si Valentine sa isang BANDERA report na tungkol sa pagtatanggol ni Tuesday kay Michael V.
Mensahe niya sa komdeyana, “Tuesday wag ka nga makielam, laos ka na din si Wednesday na ang uso ngayon, kung sasawsaw ka kakampihan ko na din si Rendon, wala naman masama sa sinabi niya.”
Giit niya, “He is just stating facts and his opinion.”
Hindi naman ‘yan pinalampas ni Tuesday at tinanong pa si Valentine na, “Ano ‘to? Parang bata na may kampihan na nagaganap?”
Dagdag niya, “Niliwanag ko na wala akong inaaway na kahit sino. Ipagdadasal ko na lang ang kaliwanagan ng isip mo. Kung sa tingin ninyo na ang pang lilibak ng kapwa ay walang bahid ng kasamaan ay talagang nakaka bahala na yan.”
Paliwanag pa niya, “‘This is my opinion’ does not preclude a connected statement from being dead wrong. It still baffles me that some feel those four words somehow give them carte blanche to spout batshit oratory or prose.”
“It is scary to a point na accepted ng tao at napapabayaan kayo to take up space. Be content creators SURE! But please do it responsibly,” parangal pa niya hindi lang para kay Valentine kundi pati na rin sa ibang content creators.
Sinabi rin ng komedyana na hindi basehan ang kasikatan ng isang tao upang makatanggap ng paggalang at respeto.
“Hindi barometer ang fame or pre requisite para matutong gumalang at rumespeto sa kabuhayan at craft ng ibang tao. Kailangan todo sikat ako to be heard? Kahit ordinaryong mamamayan ay nasaktan sa mga nasabi. If I felt strongly about this, it’s because I have worked alongside Kuya and I deeply respect and admire him,” sambit ni Tuesday.
“At hindi ako nag iisa sa hukbong ng artistang nakasama nya sa industriya na naka tindig para sa kanya so why single me out?,” tanong pa niya.
Ayon kay Tuesday, sinadya niya ang kanyang komento upang makita ng maraming tao at magsilbing paglilinaw pagdating sa social media influencers.
“Kapatid, napaka daming mas productive na pwedeng gawin sa oras natin kesa ito. Mabuti at naka sagot ako at nabigyan ko ito ng panahon kasi gusto ko talagang mabasa ito ng mga tao,” saad niya.
Dagdag pa niya, “There is a code of ethics for social media influencers that we need to shed light on.”
“Never publish material that is obscene, racist, sexist, pornographic, sexually exploitative, or in any other way discriminatory, threatening or harassing, personally offensive, defamatory, or illegal. Lahat ng ginagawa ninyo ay taliwas dito,” ani pa niya.
Patuloy ng komedyana, “Sana ay makinig kayo, ito ay responsibilidad hindi lamang ninyo kung ‘di tayong lahat na nasa industriya para naman mai angat natin ang lipunan sa pamamagitan ng ating mga nililikha. Salamat pa din. Nagkaroon ng boses ang usapin na ito.”
Ang pagtatalo ng dalawa personalidad ay nag-ugat sa sinabi ni Michael V noong April 29 na, “The first thing an content should understand is the meaning of the word: CONTENT.”
Hindi ‘yan nagustuhan ni Rendon kaya nag-post siya ng tungkol sa pagiging laos ng mainstream celebrities.
Hindi na siya pinatulan ni Bitoy, pero ang bumanat kay Rendon ay ang mga ordinaryong netizens, pati na rin ang mga sikat na personalidad.
Kabilang na riyan si Tuesday, pati na rin ang TV host at Kapuso trivia master na si Kuya Kim, aktor na si Joross Gamboa at comedienne-actress na si Kakai Bautista.
Related Chika:
Tuesday Vargas umaming nai-intimidate pa rin kay Bitoy: Pero marami kaming similarities kasi…