Celebrities

Wish ni Maja na makita at makilala ang tunay na ama natupad na: ‘Pero hindi po siya nagtuluy-tuloy kasi may ibang pamilya na rin ang tatay ko’

Maja Salvador

Maja Salvador

NATUPAD ang pangarap ng actress-dancer at TV host na si Maja Salvador na makilala at makita ang kanyang tunay na ama na matagal din niyang hinanap.

Ngunit hindi rin nagtuluy-tuloy ang kanilang pagsasama bilang mag-ama dahil may sarili na itong pamilya kaya medyo naging “complicated” para sa kanila ang mga sumunod na pangyayari.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Maja napag-usapan nga ang tungkol sa tatay niya. Pagbabalik-tanaw ni Tito Boy, nabanggit sa kanya ng dalaga noon ang kagustuhan nitong makita nang personal ang kanyang tatay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

Kung hindi raw nagkakamali ang veteran TV host, 14 years old pa lang si Maja nang makilala niya ito na inilarawan pa niyang napakasimpleng dalagita na maraming pangarap sa buhay kabilang na nga riyan ang makita ang ama.

Tanong ni Tito Boy kay Maja, “How much of that girl is still there?” Na sinagot ng aktres ng, “Narito pa rin siya, ‘yung hindi nawawala ‘yung mangarap kasi para sa akin kapag natupad na itong isang pangarap na ito, hindi pa rin siya natatapos.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

Pagpapatuloy pa niya, “Ang maramdaman ko kung paano ang magkaroon ng isang tatay sa bahay, forever ‘yun Tito Boy.

“Kung hindi ko siya maramdaman, yung makita ko lang ‘yung tatay ko. ‘Yung masabi ko lang sa mga kaibigan ko, sa mga kaklase ko na, ‘May tatay din ako, ‘di ko lang siya kasama pero may tatay ako,’” dagdag pang pagbabahagi ni Maja.

Natupad naman daw ito, pero hindi nagtuluy-tuloy ang kanilang komunikasyon, “Hindi po siya nagtuloy-tuloy kasi may ibang pamilya na rin ang tatay ko.”

Paglalarawan pa niya sa relasyon nila ng kanyang tatay “Sakto lang pero masaya na ‘yung puso ko na nakilala ko siya.”

Samantala, tuloy na tuloy naman ang kasal nina Maja at Rambo Nuñez sa darating na July. Isa sa mga tatayong ninong nila ay si Bossing Vic Sotto.

Magkasama ngayon sina Maja at Vic sa pinakabagong sitcom ng GMA na “Open 24/7” with Jose Manalo, Sofia Pablo, Allen Ansay and other Sparkle artists.

RELATED STORIES

Maja Salvador to leave ‘Eat Bulaga’ due to upcoming wedding, ‘uncertainties’ involving noontime show

Maja Salvador, BF Rambo Nuñez to get married in July

Celebrities gush over Maja Salvador’s engagement online

TAGS: boy abunda, Maja Salvador, Showbiz news, wish
Latest Stories
Most Read