Showbitz

Xander Ford ‘pinaghintay’ ni Makagwapo sa P349k, may mensahe sa mga nagsasabing mukha siyang pera

Xander Ford 'pinaghintay' ni Makagwapo sa P349k, may mensahe sa mga nagsasabing mukha siyang pera

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin natatapos ang online serye ng dalawang social media personality na sina Xander Ford at Christian Merck Grey.

Matapos kasing pumayag ni Makagwapo na ibigay na ang perang hinihingi sa kanya ng dating miyembro ng Hasht5 ay nais nitong personal na ihatid sa kanya ang pera kung talaga raw totoo ang sinasabi ni Makagwapo.

Naglabas na namang muli ng Facebook video si Xander kung saan pinaghintay raw siya ni Merck na hindi naman nagpunta para ibigay sa kanya ang pera.

“Christian Mervk Grey, wag mong idadahilan sa akin na sobrang busy ka. Alam ko namang busy ka, naniniwala naman ako doon.

“Please, kung totoo ‘yan [na magbibigay ka ng pera] at totoo ka talaga, pumunta ka dito… kanina pa ako naghihintay sa ‘yo,” saad ni Xander.

Tinanong pa nga nito kung kailan ba talaga ito pupunta sa kanila dahil buong araw na niyang inaantay ang pagbibigay nito ng pera.

Nagbigay rin siya ng mensahe para sa mga taong tinatawag siyang mukhang pera.

“Sa mga tao na apektado, na galit na galit sa akin dahil nga mukha raw akong pera, pasensya na kayo,” pagbabahagi ni Xander.

Dagdag pa niya, “Sa hirap ng buhay ngayon kailangan talaga ng tao ng pera.”

Matatandaang nagsimula ang sigaloy sa pagitan nina Xander at Makagwapo nang singiling ng nauna ang huli dahil sa pangako nitong pagsagot diumano sa binyag ng kanyang anak na si Xeres.

Nakarating naman ito kay Merck dahil nga lumapit si Marlou sa kaaway nitong si Awitgamer at dinenay na may ipinangako siya sa first-time dad.

Ngunit kalaunan ay bumigay na rin ito at pumayag na ibigay ang P349k dahil masyado nang “maingay” si Xander at nadadamay na rin daw ang anak nito.

RELATED STORIES

Awitgamer sinabing hindi ‘mukhang pera’ si Xander Ford, galit na galit kay Makagwapo: Wala ka talagang isang salita!

Xander Ford bumanat kay Merck ukol sa pangakong P349k: Kung hindi mo kayang ibigay, sabihin mo!

Xander Ford naglabas ng sama ng loob: ‘Ngayon ang binyag ng anak ko, ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan kong pupunta sila yung wala’

TAGS: Showbiz news, social media
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.