Showbitz

Xander Ford naglabas ng sama ng loob: ‘Ngayon ang binyag ng anak ko, ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan kong pupunta sila yung wala’

Xander Ford and Baby Xeres.

Xander Ford at Baby Xeres

MARAMING naawa sa social media personality na si Xander Ford dahil sa nangyari sa binyag ng kanyang panganay na anak na si Xeres Isaiah.

Naglabas kasi siya ng sama ng loob sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, sa mga taong malalapit at importante sa kanya ngunit hindi raw dumating sa binyag ng anak nila ni Gema Mago.

Nagsumbong si Xander o Marlou Arizala, sa kanyang mga IG followers sa hindi pagsipot ng mga inimbitahan nila para saksihan sana ang napakahalagang araw sana sa buhay ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon kay Xander Ford, “Ngayon yung binyag ng anak ko ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan ko na pupunta sila yung wala.

“Kahit yung presensya lang sana para sa baby ko ok na ako pero alam ko di rin kami importante kasi di naman na kami sikat,” ang mensahe pa ng internet at socmed personality sa kanyang IG Story.

Wala namang binanggit si Xander kung sino-sino ang mga tinutukoy niyang bisita na nangdedma sa binyag ng anak. Hindi rin niya in-explain kung bakit hindi  nakarating ang mga ine-expect niyang mga guest.

Last April 24, nag-post sa Instagram si Xander ng kopya ng imbitasyon para sa binyag ni Baby Xeres.


Nakasaad sa nasabing invitation na kahapon, May 3, nga ang binyag ng anak nila ni Gema na gaganapin sa isang chapel sa Silang, Cavite.

Nakasulat din sa imbitasyon na 1 p.m. ang simula ng binyag habang ang reception naman ay magaganap sa isang resort sa Alfonso, Cavite.

Kung matatandaan, ibinandera ni Xander noong September, 2022, ang pagbubuntis ni Gema sa panganay nilang anak. Isinilang ang bata noong December 29, 2022.

RELATED STORIES

Xander Ford: ‘I am part of LGBTQ #bisexual’

Xander Ford expecting first child with non-showbiz GF

Xander Ford nabbed over violence against women case

TAGS: baby, guests, Instagram, Showbiz news
Latest Stories
Most Read