Entertainment Life!

Awitgamer sinabing hindi ‘mukhang pera’ si Xander Ford, galit na galit kay Makagwapo: Wala ka talagang isang salita!

Awitgamer

| Bandera

DINIPENSAHAN ng social media personality na si Awitgamer ang kontrobersyal na si Xander Ford laban sa paratang ng publiko na mukha itong pera.

Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang isyu kung saan ibinahagi ni Xander sa social media ang hindi pagtupad ni Makagwapo o Christian Merck Grey na sasagutin nito ang kalahati ng gastos sa binyag ni baby Xeres.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ni Awitgamer ang isang video kung saan ipinagtatanggol niya si Xander.

“Kaibigan mo to tol. Hindi ibang tao to. Pinangakuan mo. Ang unang-unang pinangakuan mo dyan, yung anak niya. Pangalawa si Xander.

“Hindi ka na naawa sa tao, tol. Lugmok ‘yung tao. Halos maghiwalay ‘yung dalawa pero dahil gumawa ng paraan si Xander Ford para mabuo yung pamilya niya. Gumawa ng binyag… tapos ikaw na nangako, sinira mo,” nanggagalaiting sabi ni Awitgamer.

Dagdag pa niya, “Actually tol, hindi mukhang pera si Xander. Gusto ko lang iparating sa ‘yo na nangako ka sa tao at marami siyang pinagkautangan dahil nangako ka… Ngayon saan siya kukuha?”

Sabi pa niya, bagsak ang page ni Xander dahil marami sa publiko ang bina-bash siya at hindi ito naiintindihan.

“Hindi siya nauunawaan ng tao. Ang akala nila dito (nakaturo kay Xander) mayabang… hindi nila alam mabait tong taong to. Ngayon ikaw (Makagwapo) ibalik mo o ibigay mo kung anong ipinangako mo,” saad ni Awitgamer.

Kahapon lang ay nagsalita na si Makagwapo hinggil sa diumano’y promise niya kay Xander at dinenay nitong nangako siya sa kaibigang sasagutin ang binyag ni Baby Xeres.

Kaya naman muling napa-react si Awitgamer at sinabing walang isang salita si Makagwapo na naging dahilan ng pagkaipit ni Xander sa mga pinagkakautangan nito.

“Ganito na lang Merck, para matapos yang issue niyo, ibigay mo kung anong ipinangako mo.

“Kung tunay kang lalaki, ibigay mo kung ano ang karapat-dapat at ipinangako mo. Hindi ka nag-joke sa huli. Wala kang joke na sinabi sa huli… Kaya dapat ibigay mo ‘yun. Umasa ‘yung tao, marami siyang pinagkautangan. Dapat gawin mo ‘yun,” sey pa ni Awitgamer.

READ MORE:

Karla Estrada sends off daughter to study abroad

TAGS: social media
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.