Life! Showbitz

Xander Ford bigong manalo kay Christian Merck, ilong napuruhan

Picture ni of Xander Ford na binibigyan nga medical attention matapos mapuruhon ang kanyang ilong sa bakbakan nila ni Christian Merck Grey.

HINDI nagtagumpay ang social media personality na si Xander Ford sa bakbakan nila ng kapwa social media personality na si Christian Merck Grey.

Noong Sabado, June 18, nagtuos ang dalawa sa “Battle of the YouTubers” na ipinalabas rin sa YouTube channel ni Makagago.

Sinabi pa nga ni Xander na patutumbahin niya si Merck kasabay ng pagpapakita nito kung paano siya naghanda sa kanilang magiging pagtutuos.

Ngunit nang magsimula na ang kanilang laban ay knockout naman ito sa naging teo-punch combo sa kanya ni Merck.

Dumugo pa nga ang ilong ni Xander kaya agad siyang sinaklolohan at dinaluhan ng partner na si Gena Mago.

Sabi ni Merck sa isang Facebook post, “Sa asawa ako ni Marlou naawa eh!”

Ngunit hindi naman papatalo ang dating member ng Hasht5 at nagpatutsada rin sa social media.

“NAPAKAMANDARAYA N’YO MGA BRUSKO KAYA PALA KAYO YUMAMAYAN LALO KA NA MERCK GREY,” sey ni Xander.

Matatandaang nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawa nang “singilin” ni Marlou si Merck sa diumano’y ipinangako nitong pagsagot sa binyag ng anak niyang si Xeres.

Matapos ang ilang palitan ng videos st mensahe sa pagigitan ng social media ay nagkasundo rin ang dalawa at natanggap nga ni Xander ang P350k na personal pang inihatid ni Merck.

Ngunit ilang araw lang ay nagsimula na naman ang kanilang sigalot sa social media na nagresulta nga para magtuos sila sa “Battle of The YouTubers” kung saan nadale ang ilong niya nang matamaan ng sapak ni Merck.

RELATED STORIES

Xander Ford bumanat kay Merck ukol sa pangakong P349k: Kung hindi mo kayang ibigay, sabihin mo!

Xander Ford ‘pinaghintay’ ni Makagwapo sa P349k, may mensahe sa mga nagsasabing mukha siyang pera

Xander Ford ‘sinisingil’ ng P349k si Makagwapo: ‘Gusto ko lang naman makuha ‘yung para sa amin’

TAGS: battle, Showbiz news, social media
Latest Stories
Most Read