Life! Showbitz

Baron Geisler kuntento na sa buhay, masaya sa Cebu kasama ang pamilya: That’s where God transformed me…

File photo of Baron Geisler

PHOTO: Instagram/@baron.geisler

HAPPY and contented.

Ganyan inilarawan ng batikang aktor na si Baron Geisler ang kanyang buhay ngayon sa Cebu kasama ang kanyang pamilya.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng life update si Baron matapos siyang kamustahin ng TV host na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk.”

Tanong sa kanya ni Tito Boy, “How is life in Cebu?”

Sagot naman ng aktor, “Life in Cebu is very laid back and I’m just in love with Cebu.”

“That’s where God transformed me and that’s where I met my wife as well,” sey niya.

Paliwanag pa niya, “Kasi 30 minutes away nasa beach ka na, 30 minutes away nasa bukid ka na.”

Nabanggit niya rin na bukod sa magagandang tanawin ay marami siyang natagpuang totoong mga tao na naging tunay niyang kaibigan.

“People there are direct. Parang hindi sila plastic,” sambit ni Baron.

Chika pa niya, “Mga Cebuanos parang pag hindi ka gusto, parang ayaw sayo. Pero kapag nagustuhan ang attitude mo, they will embrace you.”

“So I would say that I’m already an adopted son of Cebu. I have so many real friends in Cebu,” ani pa ng aktor.

Ang sumunod na usisa naman sa kanya ni Tito Boy ay kung masaya ba siya ngayon sa kanyang buhay.

Inamin ng veteran actor na kuntento na siya sa kanyang buhay, lalo na’t patuloy siyang binibiyayaan ng Diyos hindi lang sa pamilya at kaibigan, kundi pati na rin sa kanyang karera.

“From the grace of God because I have a beautiful wife, beautiful kids and I have real friends and then my career is blooming again,” saad ni Baron.

Dagdag pa niya, “You know, I don’t deserve all of these things Tito Boy, but for some reason bliness ako ulit ng ating creator.”

RELATED STORIES

Baron balik sa pagtoma, asawang si Jamie napuno na: Grabe ang pag-relapse niya lately kaya magpapa-rehab daw siya uli

Baron Geisler registers as a voter in Cebu, urges Cebuanos to vote

Police: No record of alleged Baron Geisler punching incident at  Cebu hospital

 

TAGS: baron geisler, Cebu‬, Showbiz news
Latest Stories
Most Read