Life! Showbitz

Arjo Atayde namanhikan na sa pamilya ni Maine Mendoza, detalye ng kasal ‘secret’ pa rin

NAMANHIKAN na si Congressman Arjo Atayde kasama ang kanyang mga magulang at iba pang kaanak sa pamilya ng kanyang fiancée na si Maine Mendoza.

Base sa ipinost ng award-winning actress at nanay ng kongresista na si Sylvia Sanchez sa kanyang social media account, nangyari ang pamanhikan nitong nagdaang weekend.

Ibinahagi ni Ibyang ang isang video sa Instagram at Facebook kahapon, June 15, kung saan makikita ang pagtungo ng kanilang pamilya sa bahay nina Maine na tinatawag na “Casa Mendoza”.

Ang unang IG post ay kuha sa loob ng isang private plane na may caption na, “Off to a very important destination, @mainedcm @arjoatayde.” Ginamit ng aktres ang mga hashtags na #casamendoza, #pamamanhikan, #AtaydeMendoza, #family, #happiness, at #thankuLORD.

Sa ikalawa niyang post ay isa namang video kung saan mapapanood ang papasok sa isang kalye ng mga nakahilerang mga SUV na nilagyan ni Sylvia ng caption na, “The Very Important destination (heart emoji).”

Maririnig sa video na ang mga kotseng makikitang naka-park sa labas ng Casa Mendoza na pagmamay-ari ng mga Atayde. Maririnig si Sylvia na nag-dialogue ng, “Andito lahat ng kotse ng Atayde.”

Ipinakita rin sa video si Maine habang lumalabas sa kanilang bahay at lumapit sa sinasakyan nina Arjo at ng kanyang pamilya.

“Menggay,” ang pagbati ni Sylvia kay Maine. “Nakarating na rin kami sa wakas. Bababa na ako (ng sasakyan) at magkikita na tayo diyan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

 

Hanggang ngayon ay hindi pa naglalabas ng mga karagdagang detalye sina Maine at Arjo kung kailan at saan sila ikakasal. Pero base sa isang source, ngayong July na mangyayari ang pinakaabangang wedding ng celebrity couple.

RELATED STORIES

Rollercoaster pic nila Maine Mendoza, Arjo Atayde mabenta sa netizens

TAGS: celebrity couple, Maine Mendoza, Showbiz news, social media
Latest Stories
Most Read