Life! Showbitz

Noli, Bernadette, Alvin naloka sa pasabog ni Andrea tungkol sa ex-dyowa na hindi nagpa-laundry ng 1 taon

Andrea Brillantes, Bernadette Sembrano at Noli de Castro

 

TRENDING si Ricci Rivero sa buong Pilipinas mula kagabi hanggang kaninang madaling araw dahil sa mga rebelasyon ni Andrea Brillantes.

Walang binanggit ang young actress tungkol sa ex-boyfriend niyang hindi nagpapa-laundry ng isang taon pero ang hula ng lahat ay si Ricci Rivero ang kanyang pinatutungkulan.

Katanggap-tanggap pa ang pag-amin ng aktres na kapag binawi niya ang mga bagay na ibinigay niya sa isang dating karelasyon ay wala nang matitirang gamit sa condo unit nito.

Nagulat naman ang “TV Patrol” anchors na sina Kabayang Noli de Castro, Alvin Elchico at Bernadette Sembrano sa napanood na report ni Star Patroller Gretchen Fullido tungkol sa mga naging pahayag ni Andrea.

Kaya bago sila tuluyang magpaalam sa kanilang news program ay nagbigay sila ng reaksyon hinggil sa dating boyfriend ni Andrea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Tanong ni Alvin, “Anong isang taon?  Isang taong hindi naglo-laundry ng alin?”

Sagot ni Kabayan Noli, “Mga damit siguro ano ba ang ilo-laundry, e, di damit.”

“O, e, bakit isang taon? Parang side A (at) side B ganu’n?” tanong ulit ni Alvin.

Bumunghalit naman ng tawa si Bernadette.

Baka Bet Mo: Nanay na ‘inireklamo’ nakatanggap pa ng tulong mula sa ‘CIA with BA’

Sabi ulit ni Alvin, “Tinatanong ko nga kasi hindi ko alam.”

Say ni Kabayan Noli, “Mga damit niya siguro matagal ng hindi nalabhan ng sarili (sabay muwestra).”

Opinyon naman ni Badette, “Baka naman naiwan niya sa trunk ng kotse ‘yung kanyang damit kaya isang taong hindi nalabhan?”

“Antay natin ‘yung sagot,” sambit ni Alvin.

“Naiwan sa trunk? Ito naman,” say naman ni Kabayan Noli.

“Malay mo naman. Basta hindi mabaho ‘yung tao. Ba’t nga ba hindi nagpa-laundry?” tanong uli ni Bernadette.

“E, baka naglalaba ng kanya,” giit ni kabayan Noli habang pigil naman ang tawa ni Alvin.

“Baka naman ang kanyang mga damit, e, wash and wear? Or never wash, just wear,” nakangiting sabi ni Kabayan Noli.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hirit ni Bernadette, “O, baka disposable?”

Sabi ulit ni kabayan Noli, “Yan ang hirap kapag nag-away kayo (ng ex) pati sikreto mo ibubulgar.”

Lesson learned ito para kay Ricci na para hindi siya masilipan ng butas sa susunod niyang relasyon ay magpa-laundry na siya at ‘wag na rin siyang maging kiss and tell.

Tama lang din na huwag nang magsalita ang binata tungkol sa mga pasabog ni Andrea dahil tiyak na mas lalo siyang maba-bash.

Samantala, narit9 ang ilang tweet mula sa netizens na nabasa namin kaya trending si Ricci kaninang madaling araw.

Mula kay MAGGOT ROBBIE @Watdahel_Marcel, “The sexual tension between Ricci Rivero and Tide detergent.”

Say naman ni @SuarezDee, “CONFIRMED! According to our Queen, Blythe / Andrea Brillantes…. Hindi mabango si Ricci Rivero! Hahahahahaha. @iamandrea_b.”

Sabi rin ni M1ss Paolita Kantotsu So @troyieeeeeeeee, “Kung ang normal na tao ang mga panaginip ay nahuhulog sila sa bangin, kay Ricci Rivero nalalaglag siya sa washing machine tas umiikot ikot lang siya sa sabon.”

‘Pagpanaw’ ni Kris Aquino fake news, tuloy ang pagpapagamot sa US

Noli de Castro babalik na sa ‘TV Patrol’; Martin Nievera, KZ Tandingan bagong coach sa ‘The Voice Kids’

TAGS: Andrea Brillantes
Latest Stories
Most Read