Life! Showbitz

Cristy Fermin pinabulaanan ang kumakalat na chika ukol sa ‘paninigarilyo’ ni Kathryn Bernardo: Never po, never!

ITINANGGI ng kolumnistang si Cristy Fermin ang mga kumakalat na chika sa diumano’y gumagamit raw ng vape ang mahusay na aktres na si Kathryn Bernardo.

May mga video kasing kumakalat ngayon sa social media kung saan makikitang may hawak na vape ang dalaga habang may kausap at tila on break sa kanyang shooting.

At sa kanyang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Huwebes, July 29, napag-usapan nila ng kanyang co-host na si Romel Chika ang mga buling-bulungan ukol sa dalaga.

Aniya, bata pa lang si Kathryn ay sinusubaybayanna niya ito at alam nouang hindi ito nakasubok ng sigarilyo.

“Agad-agad ibinalita na nagyoyosi daw si Kathryn… Nasubaybayan ko po ang kabataan ng batang ito mula nu’ng malinggetong pa s’ya… Malinggetong ha, hanggang ngayon. Never po, never. Hindi po s’ya nagsisigarilyo,” saad ni Cristy.

Aniya, maaaring umiinom ng alak si Kathryn pero di nito sinubukan ang magyosi.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Dolly de Leon sumabak na sa taping ng ‘A Very Good Girl’, fans kinilig: ‘We’re so ready for this!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

“’Yung ano lang, painum-inom kapag merong okasyon. Umiinom naman s’ya. Pero never ko s’ya nakita o ninuman na nagyoyosi,” pagpapatuloy ni Cristy.

Binalikan pa nga ng kolumnista ang pangyayari noon kung saan talagang nalasing ang aktres.

“One time, totoo ’yon, sa sobrang pag-inom nakalimutan n’ya ang bag n’ya kung saan n’ya inilagay. Hahaha! Hanap s’ya nang hanap. Pero ’yong pagyoyosi? Malayo sa katotohanan,” sey pa ni Cristy.

Chika pa niya, marahil ay parte lang ito ng kanyang trabaho lalo na’t nagpi-film ito sa kanyang upcoming film na “A Very Good Girl” kung saan kasama niya ang international award-winning actress na si Dolly de Leon.

“Sana nahihiwalay po natin ’yong trabaho sa pagkatao. Role po n’ya ’yon na nagbi-vape s’ya. Ganu’n, gumagamit s’ya ng vape dahil sa role n’ya. Hindi po s’ya nagyoyosi. Never! Naku si Kathryn pa,” giit pa ni Cristy.

Related Chika:
Kathryn TV lang ang pangarap dati, ngayon nagpapatayo na ng dream house; ‘nakipag-deal’ kay Dolly de Leon

Kathryn Bernardo nasalo ang bouquet of flowers sa kasal ni Cathy Molina, Daniel inulan ng tukso…sila na raw ang susunod: ‘Bukas na bukas din!’

Cristy Fermin hindi naniniwalang buntis si Kathryn: Kung sakali man na totoo, meron po bang kuwestiyon?

TAGS: Kathryn Bernardo
Latest Stories
Most Read