Celebrities Showbitz

Gabby Concepcion alam ang dahilan kung bakit inunfollow ni KC sina Frankie at Kiko Pangilinan

Gabby at KC Concepcion

Gabby Concepcion and daughter KC Concepcion

AWARE daw ang aktor na si Gabby Concepcion kung ano ang dahilan ng kanyang anak na si KC Concepcion sa pag-a-unfollow sa stepdad nitong si Kiko Pangilinan at stepsister na si Frankie.

Ayon sa kolumnistang si Cristy Fermin, alam ng ama ng aktres ang mga nangyayari ngunit paniguradong pipiliin raw nitong huwag panghimasukan ang tampuhan ng anak sa kanyang pamilya sa side ng ina nitong si Megastar Sharon Cuneta.

“Isang source rin ang tumawag sa akin at sinabing alam na alam ni Gabby ang kuwento tungkol sa unfollow unfollow issue na ‘yan pero knowing Gabby, hindi siya makikialam,” pagbabahagi ni Cristy sa kanyang “Cristy Ferminute” show noong August 30.

Matatandaang usap-usapan ngayon sa social media ang tila hindi na naman maayos na relasyon ng mag-ina idagdag pa ang pagkakapansin ng netizens na nag-unfollow si KC sa kanyang Daddy Kiko at kapatid na si Frankie.

“Si Gabby rin kasi parang si KC, bibihira rin siyang magsalita at hindi siya nagpo-post ng anumang napakalalim na bagay tungkol sa mga tao na konektado rin sa kanya,” sabi pa ni Cristy.

Peace of mind

Binalikan pa nga ng kolumnista ang mga sinabi ni KC sa kanilang panayam noong August 29.

“Naalala mo ‘yung sinabi ni KC kahapon na ‘Pareho lang naman po kami ni Papa. Gusto po namin, chill lang. ‘Yung may peace of mind. ‘Yung simple lang ang buhay. ‘Yung masaya lang kami.’ Yun ang sinabi ni KC, natatandaan ko,” lahad pa nito.

Matatandaang bago pa ang isyu ng tampuhan ay nagbigay na ng reaksyon si KC sa napabalitang muling pagsasama nina Sharon at Gabby sa isang concert.

Sey ni KC, halo-halo ang kanyang naramdamang emosyon matapos niyang mabalitaan ang muling pagsasama ng mga magulang.

“Hays (sabay hawak sa dibdib at buntong hininga), guys alam n’yo ako lang ang anak nila (Sharon at Gabby)! So, I don’t think nararamdaman ng iba ‘yung nararamdaman ko about this reunion kasi mixed emotions but of course nanaig ‘yung happiness ko kasi pangarap kong makita ‘yung parents ko na masayang nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo [at] magkaibigan,” sabi ni KC.

Samantala, naging bukas naman ang dalaga sa kanyang pinagdaanan habang lumalaki at bilang anak ng dalawa.

“Ako lang ang pilit talagang nakikipagkita sa lahat ng involved sa blended family ko. Feeling ko parang naging responsibilidad kong maging okay sa lahat, and to make sure na may relationship ako sa lahat,” ani KC.

RELATED STORIES

Sharon never nagsalita ng masama kay KC tungkol kay Gabby: ‘Naisip ko nga, dapat yata siniraan ko na lang’

KC Concepcion on unfollowing stepdad Kiko Pangilinan, sister Frankie on Instagram: I just want peace of mind

Hugot ni KC sa pagiging anak ni Sharon: ‘Ako ang panganay niya, malalaman din ni Mama kung gaano ko siya kamahal pagdating ng panahon’

TAGS: Gabby Concepcion, KC Concepcion, Kiko Pangilinan, Showbiz news
Latest Stories
Most Read