Life! Showbitz

Rendon Labador nagbabala, pinag-iingat ang publiko sa pekeng accounts na gumagamit ng pangalan niya

Rendon Labador nagbabala, pinag-iingat ang publiko sa pekeng accounts na gumagamit ng pangalan niya

NAGBABALA ang self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador ukol sa kumakalat na fake page na gumagamit ng pangalan at larawan niya.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories ay sinabi niyang mag-ingat ang kanyang mga tagasuporta sa mga pekeng pages na may pangalan niya.

“Pati personal facebook ko ay hindi ko na magamit, pati messenger ay restricted din. Pati emails ko ay naka block. Kaya hindi ako agad makaka gawa ng mga bagong social media pages at the moment,” saad ni Rendon.

Chika pa niya, kung may announcement daw siyang sasabihin ay mababasa ito sa kanyang Instagram stories.

Pagpapatuloy pa niya, “Ingat po kayo sa mga fake pages na kumakalat ngayon, baka magamit sa pananamantala sa aking sitwasyon. Kung may announcement man ako, dito ninyo makikita sa instagram story.”

Makalipas ng ilang minuto ay muling nagbabala si Rendon.

Aniya, “Wala na ako sa facebook ngayon, wala akong page at wala din akong access. Pati personal account ko sa facebook ay hindi ko magamit at the moment kaya kung meron man mga lumilitaw na ‘new facebook pages’ ngayon at new tiktok accounts, HINDI PO AKO YAN. Mag ingat po kayo, Maraming salamat! #stavMotivated”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

Matatandaang noong August nang unang ibahagi ni Rendon sa kanyang followers ang pagkakabura ng isa sa kanyang social media pages, ang TikTok.

Ilang beses nitong sinubukang umapela ngunit palaging nire-reject ng TikTok Philippines ang kanyang appeal ayon sa kanyang mga nagdaang post.

Sunod naman na nawala kay Rendon ay ang Facebook account pati na rin ang kanyang Google account at Messenger.

At ngayon nga ay tuluyan nang naka-lock ang kanyang X (dating Twitter) account habang nanganganib naman ang kanyang Instagram page.

Samantala, napag-alaman ng isa sa kanyang staff na diumano’y mga fans raw ng mag-bestfriend na sina Vice Ganda at Coco Martin ang nag-mass report sa kanyang social media accounts.

“Accdg to my staff confirmed na fans ni Coco Martin Batang Quiapo at fans ni Vice It’s Showtime ang nag mass report kaya tuluyang nabura ang facebook accounts ko,” lahad ni Rendon.

Sina Vice at Coco ang talagang malalang pinuntirya noon ng self-proclaimed motivational speaker sa kanyang mga nagong posts at videos online.

RELATED STORIES

Rendon Labador naka-lock na ang X account, Instagram page pwedeng mo sunod

Rendon nawagtangan na pud og Google account: ‘Pati email banned na ako…Hindi na reasonable ang mga pagre-report ninyo!’

Rendon Labador may patutsada kay Herlene Budol: Utak muna bago retoke

TAGS: Facebook page, Rendon Labador, Showbiz news, social media, TikTok
Latest Stories
Most Read