Life! Showbitz

Rendon Labador may patutsada kay Herlene Budol: Utak muna bago retoke

Rendon Labador may patutsada kay Herlene Budol: Utak muna bago retoke

MAY pasaring ang social media personality na si Rendon Labador para sa beauty queen-comedienne na si Herlene Budol.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang isang artcard kalakip ang screenshot ng kanyang komento ukol sa pagpaparetoke.

“Turn off ang babaeng b*b*,” saad ni Rendon.

Ito ang pahayag niya matapos ang anunsyo ni Herlene sa kanyang YouTube vlog na hindi na ito sasali sa beauty pageants na uploaded noong July 28.

Hirit pa ni Rendon, “Reminder lang sa lahat ng kababaihan. Utak muna bago retoke.”

Matatandaang marami sa madlang pipol ang pumuna sa paraan ng pagsagot ni Herlene sa mga question and answer portion sa mga sinasalihan nitong beauty contests.

Aminado naman si Herlene na hindi siya katalinuhan ngunit ginagawa naman niya ang best niya para mag-improve.

Ngunit maliban sa kanyang pagsagot sa q&a, pinansin rin ni Rendon ang kanyang pagpaparetoke o ang pagsailalim sa beauty enhancement.

Hindi naman kaila sa madlang pipol na nagpaayos ng ilong dahil ibinahagi naman ito ng dalaga sa kanyang vlog.

Talak ni Rendon, “Retoke ang priority ng mga kababaihan para madagdagan ang value nila. Mas pahalagahan sana natin ang edukasyon kaysa sa panlabas na anyo.”

Samantala, sa kabila ng anunsyo ni Herlene na hindi na siya sasali sa mga beauty contests ay inamin niyang naging masaya siya dahil natupad ang pangarap niyang maging beauty queen.

RELATED STORIES

Rendon Labador nagulat kay Cristy Fermin: Akala ko patay na ‘to

Rendon Labador inasar-asar ng netizens dahil sa bagsak-presyo ng motivational rice: ‘Wala na kasing kumakain… sawsaw pa more’

WATCH: Herlene Budol in tears, begs Miss International Planet bets be allowed to go home

TAGS: Herlene Budol, Rendon Labador, Showbiz news, Vlog, youtube
Latest Stories
Most Read