Life! Showbitz

Rendon Labador: ‘This is the end of Vice Ganda’s era!’

Rendon Labador

Rendon Labador at si Vice Ganda. | Bandera

WALA talagang balak si Rendon Labador na tantanan ang Unkabogable Star at “It’s Showtime” host na si Vice Ganda.

Sa isa sa kanyang Instagram stories ay ni-repost niya ang isang news report ukol na may titulong “End of Vice Ganda’s era?”

“This is the end of Vice Ganda’s era!” saad ni Rendon.

Pagpapatuloy pa niya, “Tama na ang pag lason sa isip ng mga kabataan at pag normalize ng mga mali!”

READ MORE: Vice Ganda, Ion Perez sinampahan ng kasong kriminal ng ‘social media broadcasters’ dahil sa ‘pagsubo ng icing’

May pa-poll pa nga si Rendon sa kanyang followers kung sumasang-ayon ba ito sa kanya o hindi.

Samantala, sinabi naman niya sa kanyang Instagram stories ngayong Miyerkules, September 13, na wala raw siyang personal na galit sa nga taong sinisita niya sa social media.

“Uulitin ko, para sa mga hindi pa rin makaintindi na wala naman tayong personal na galit sa lahat ng taong sinita natin. Gusto lang natin itama ‘yung mga mali nila,” sabi ni Rendon.

READ MORE: Kiko Matos ‘nagdiwang’ sa natsuging socmed accounts ni Rendon Labador: Panalo ang Pilipinas ngayon! Buti nga sa ’yo!

Ngunit sa kabila nito ay kapansin-pansin pa rin ang sunud-sunod na patutsada niya laban sa Unkabogable star.

Ni-repost rin ni Rendon ang isang artcard ni Vice Ganda kung saan sinabi nitong wala siyang balak pasukin ang politika.

“Kahit gustuhin mo hindi ka naman talaga pwede, yung kahayupan mo nga sa national TV hindi mo parin ma gets,” sabi niya pa.

Hirit pa ni Rendon, sana raw ay matuto na si Vice sa kanyang mga pinaggagagawa dahil “naiistorbo” daw siya ng mga ginagawa ng komedyante.

READ MORE: Rendon Labador hinamon ng suntukan si Ion Perez: ‘Oo, gusto kita! Gusto kong basagin yang pagmumukha mo!’

“Sana matuto kana kasi masyado na akong naaabala sa pag sita ko sa mga katangahan mo.

“Imbes na madami pa sana akong matutulungan, dumagdag ka pa sa problema,” sey ni Rendon.

Bukod rito ay inutusan pa niyang maglabas ng public apology ang “It’s Showtime” host.

“Vice Ganda, inuutusan kitang mag public apology para sa ikabubuti no
Pilipinas,” hirit pa niya.

TAGS: entertainment, Rendon Labador, showbiz, social media, TV, Vice Ganda
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.