Showbitz

Sharon Cuneta ‘nakatikim’ kay Cristy Fermin: ‘Hindi na naman niya nakontrol ang kanyang sarili’

sharon cuneta

Sharon Cuneta at Cristy Fermin

Megastar Sharon Cuneta ay hindi na dapat pumapatol sa mga bashers at trolls ayon sa veteran columnist at TV-radio host na si Cristy Fermin.

Ito’y matapos ngang banatan ng Megastar ang isang netizen na nambasag sa kanyang Instagram post patungkol sa panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Nag-react si Nanay Cristy sa ginawang pagpatol ni Ate Shawie sa isa umanong epal na hater sa pamamagitan ng kanilang YouTube channel na “Showbiz Now Na”.

Ito’y may kaugnayan sa Instagram post ni Sharon kung saan ibinahagi niya ang isang handwritten note na ibinigay sa kanya noon KC. Dito, ibinandera ng movie icon kung gaano niya kamahal ang panganay na anak kay Gabby Concepcion.

Ang hirit naman sa kanya ng isang netizen, “Then stop comparing ng mga anak Mo.”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin dinepensahan si Alden Richards sa mga fans ng KathNiel: Huwag n’yong kawawain!

Hindi nga ito pinalampas ni Sharon at talagang sinupalpal ang basher, “@bubontherun_ for the record sa yo at sa mga kasing kitid mo mag-isip – KAYO ang nagpipilit na ikumpara ang mga anak ko, hindi AKO.

“Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong. Plus WALA KAYONG HALAGA SA AMIN KAHIT NA OBVIOUSLY GUSTO NYA MAGING MAHALAGA SA BUHAY NAMIN NANG WALA NAMAN KAYONG KARAPATAN O GINAWA KUNDI MANIRA.

“Buhay nyo asikasuhin nyo at WALA kayong kaalam-alam sa pinagdadaanan namin ng matagal na,” ang beast mode na pahayag ni Sharon.

Para kay Nanay Cristy at sa mga co-host niyang sina Romel Chika at Wendell Alvarez, hindi na dapat pinatulan ni Mega ang basher.

“Hindi na naman niya nakontrol ang kanyang sarili. Kasi bilang isang pampublikong personalidad ang mga artista, kailangan ang mga fans.

“Kailangan ang ating mga kababayan. Hindi dapat sila nagsasalita ng hindi namin kayo kailangan,” aniya pa.

Sey naman ni Wendel, “Kailangan talaga maghinahon si Sharon muna sa mga sagot niya at hayaan na lang niya ‘yung mga basher doon kung ano man ang sasabihin ng mga basher.”

Baka Bet Mo: Gabby Concepcion hopeful Sharon Cuneta, KC Concepcion’s misunderstanding will be settled soon

Sey pa ni Nanay Cristy, isang public figure si Sharon at sikat na personalidad sa mundo ng showbiz kaya natural lang na makatanggap siya ng mga pang-ookray at panlalait.

Aniya, mas mabuting palampasin at dedmahin na lang niya ang mga pamba-bash ng netizens, “Alam n’yo na nakabukas ang pintuan para kayo ay purihin at pansinin, di ba?”

“Kaya nga noong nabasa ko ‘yun, naisip ko, ‘Sharon, please,’” sey naman ni Romel.

May mga nagkomento namang netizens na kung babasahing mabuti ang mga post ni Sharon sa social media ay tila meron talaga siyang favoritism sa kanyang mga anak.

Dugang chika:

KC Concepcion no longer follows stepdad Kiko Pangilinan, sister Frankie on Instagram

 

TAGS: Cristy Fermin, Sharon Cuneta
Latest Stories
Most Read