Kathryn, Daniel naniniwalang soulmate ang isa’t isa: Planado siya ni God…perfect timing
NANINIWALA ang King & Queen of Hearts at Kapamilya celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na talagang sila ang itinadhana.
Para sa reel and real life sweethearts ng Philippine showbiz, natagpuan na nila ang kanilang “soulmates” sa katauhan ng isa’t isa.
Magkasamang humarap sina DJ at Kath sa YouTube channel ng Star Cinema kung saan game na game silang sumabak sa “The Boyfriend Tag Quiz.”
Sa nasabing game, naghanda si Kathryn ng ilang questions para kay Daniel at isa nga rito ang tanong na, “Do you think I am your soulmate?”
Mabilis na sagot ni DJ sa kanyang girlfriend, “Yeah. Siyempre.”
Reaksyon naman ng Kapamilya leading lady, “Yeah, me, too. Ang soulmate ibig sabihin destined for you, di ba?”
“I think planado siya ni God kung paano kami nagkakilala, ‘yung tamang oras. So you are my soulmate,” paniniyak pa ng dalaga kay DJ.
Chika ni Kath, naniniwala siya na may nakatakda talagang ka-soulmate ang bawat tao sa mundo, kailangan mo lang talagang hintayin ang para sa yo.
“Naniniwala ako sa soulmate kasi marami kang makikilala, but at the end of the day mayroong isang person parati na… ‘yung iba nagwo-work sa kanila, like kami nag-work sa amin, but ‘yung iba nakilala ang soulmate nila at the wrong time, ang sad,” pahayag ng aktres.
Para naman kay Daniel, “Minsan late, minsan maaga. Hindi ba ganoon naman ‘yon? That’s love, man, wala tayong puwedeng sisihin. Yung sa amin (ni Kathryn) perfect timing.”
Sa isang panayam, nabanggit ng magdyowa na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal pero wala pa ito sa top priorities nila sa ngayon.
“Ayoko din naman madaliin,” sey ni Daniel. Sabi naman ni Kath, “Because you respect that I have a lot of things to do pa, na madami pa akong gustong gawin.”
Sagot naman ni Daniel, “Pero wag rin tayo male-late. Yun lang yung sakin. Alam mo na yung sinabi ko sayo. Na minsan madami kang gustong gawin pero hindi mo napapansin na napagiwanan ka na.
“Tandaan niyo yan, minsan puro na lang tayo. ‘Gusto natin to, gusto pa natin to.’ Magigising ka na lang, naiwanan na ako,” katwiran pa ng binata.
Read more: https://bandera.inquirer.net/293026/kathryn-daniel-naniniwalang-soulmate-ang-isat-isa-planado-siya-ni-god-perfect-timing#ixzz76aWTepTi
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.