Life! Showbitz

True ba, babaeng nakatapis sa condo ni Ricci nakilala niya sa isang bar sa Makati?

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

TRULILI kaya na ang nakahubad na non-showbiz girl na nakunan ng video sa kuwarto ni Ricci Rivero ay nakilala nito sa isang bar sa Makati City dahil madalas umano ito roon kasama ang mga kaibigan?

Maraming nakakakilala sa non-showbiz girl dahil nga well known naman ito sa area at mahilig makipag-dare tulad ng ginawang challenge ni Awra Briguela sa isang lalaki na maghubad ito ng pantalon.

Ang tsika sa amin ng aming source, “Usung-uso kasi sa mga bar diyan sa Poblacion ‘yung dare-dare na magki-kiss for 5 seconds.

“Ganu’n ang game do’n. Lalo na kapag nakainom na, so dapat may pa-game para masaya ang lahat. Yan ang ‘in’ ngayon. Try mo kasing mag-bar,” sabi sa amin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kahit hindi raw magkakakilala kapag pumayag naman ang isa’t isa lalo na sa parte ng girl na mag-lips-to-lips ay okay at walang harassment na matatawag.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo nagpaka-’fangirl’ kay Michael V: Nakilala ko na sa personal si Bitoy!

Dagdag pa, “Nangyayari ang kissing game sa dance floor kapag nagsasayawan, hayan may magtuturo kung sino ang type halikan. Kaya dapat naka-mouthwash o toothbrush ka lagi. Ha-hahaha!”

Going back to the non-showbiz girl ay ganito raw ang nangyari sa grupo nina Ricci pero hindi naman binanggit ng aming source kung ang basketbolista nga ang kasamang lumabas ni gurl kasi nga marami sila.

Pero sabi nga ng ex-girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes, nadatnan niyang tulog na tulog ang basketball player at ang girl na nakahubad.

At nabanggit din ng aktres na hindi raw alam ng ex-dyowa kung anong nangyari dahil nga lasing at tulog ito.

Anyway, bukas ang BANDERA para sa panig nina Ricci at ng non-showbiz girl na nakilala niya umano sa bar.

 

Babaye sa viral nga video nga nakuha sa condo ni Ricci, gihagit sa mga netizens nga mogawas na, gisugyot nga moreklamo kung way sala

TAGS: Andrea Brillantes
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.