NABAWASAN na kahit paano ang nararamdamang takot at pressure ni Jake Ejercito bilang anak nina dating Pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez.
Makalipas ang ilang taong pananatili sa mundo ng showbiz, masasabing napakalaki na ng improvement sa acting ni Jake bilang isang Kapamilya leading man.
Todo-todo ang pasasalamat ngayon ni Jake dahil patuloy pa rin siyang pinagkakatiwalaan ng ABS-CBN kasabay ng pagpirma niya ng bagong kontrata sa kanyang mother network.
View this post on Instagram
Sey ng aktor sa panayam ng ilang members ng press sa naganap na contract signing ni Jake kahapon, “It means the world to me kasi ang ibig sabihin niyan, may confidence and trust sa akin ‘yung mga bosses.
“For me naman talaga, wala naman ibang option para sa akin, Kapamilya network lang. So I am deeply honored na na-offer-an ako ng network contract,” sey ng binatang ama.
In fairness, isa si Jake sa mga masusuwerteng male celebrity ngayon dahil mula nang tumungtong siya sa ABS-CBN ay hindi na siya nawalan ng projects kaya naman pinagbubutihan daw niya talaga ang bawat trabaho na ipinagkakatiwala sa kanya.
Samantala, natanong din si Jake kung na-overcome na ba niya ang pressure bilang anak ng magagaling ding artista na sina Erap at Laarni. Sey ni Jake, “I guess it’s safe to say na mas kalma na, but it will always be there.
View this post on Instagram
“Apilyido ko iyan eh so I will always be associated to my parents. But ngayon, parang kino-consider ko siya as a good kind of pressure. Pressure to do my best every time,” dugtong pa niya.
Sa ngayon, nananatili pa ring single si Jake at naka-focus lang ang kanyang atensiyon sa trabaho at sa nag-iisang babae sa buhay niya, ang anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie.
“Ellie quite naturally is my number one inspiration. Everything is for her. I am doing this for her,” sabi ni Jake.
RELATED STORIES
Jake Ejercito shares cute photo of Ellie and Lilo in IAO
Jake Ejercito’s sweet birthday message to daughter Ellie
Jake Ejercito brings Ellie to Leni campaign