Alex hiyang-hiya sa nakakadiring prank kay Isko: Sorry po, Yorme!

By: Ervin Santiago - Bandera | June 16,2021 - 04:18 PM

Alex Isko

CEBU CITY, Philippines — Inatake rin ng matinding hiya si Alex Gonzaga dahil sa “nakakadiri” at nakakalokang prank na ginawa niya sa muli nilang pagkikita ni Manila Mayor Isko Moreno.

Game na game na nag-guest uli sa YouTube vlog ng TV host-actress si Yorme Isko. This time naman, inilibot ng alkalde ng Maynila ang sisteraka ni Toni Gonzaga sa loob ng National Museum of Natural History.

Lingid sa kaalaman ni Isko, may inihandang bagong prank si Alex para sa kanya. Aakting ang TV host na biglang sasakit ang kanyang tiyan matapos silang kumain ng street food ni Yorme.

Bago kasi sila pumasok sa National Museum of Natural History, pinatikim muna ni Mayor Isko si Alex ng “kwek-kwek”, na isa sa mga sikat na Filipino street food (nilagang itlog na binalot sa harina na kinulayan ng orange).

Nang nasa loob na sila ng museum ay umakting na ang aktres na nasira ang kanyang tiyan dahil sa kinain nilang kwek-kwek kaya naman pabalik-balik siya sa comfort room.

In fairness, kahit ilang beses nagpaalam si Alex para magbanyo habang nagtu-tour sila sa museum ay hindi nagpakita ng pagkaasar o pagkainis si Yorme. Sa katunayan, nag-alala talaga siya sa sitwasyon ng aktres.

Sa bandang huli ng vlog, naglagay na ng champorado si Alex sa kanyang pantalon na tumulo hanggang sa kanyang paa at puting sapatos at pinagmukhang napadumi na siya habang naglalakad.

Sorry nang sorry si Alex kay Mayor Isko dahil sa nangyari. Sagot naman sa kanya nito, “Okay lang, okay lang, don’t worry too much.” Inabutan pa nga niya ng tissue si Alex para ipampunas sa paa niya.

Sa ending, inamin nga niya na prank lamang ito na ikinahagalpak naman ni Isko. Sey ni Alex, “Huy, pero alam n’yo ang bait ni Yorme. Hindi siya nandiri talaga.”

Reaksyon naman ni Yorme, “Eh, puro basura din naman ‘yung hawak ko nu’ng araw. Puro tae rin naman ‘yung hinahawakan ko nu’ng araw.”

Hirit pa ni Alex, “Diyan niyo makikita na si Yorme totoong tao. Prank ‘yun, ha. Tsaka nakakahiya inaabala kita, Yorme. Alis ako nang alis.

“Sorry, Yorme. Yorme, ang sports at ang bait mo!” aniya pa.

Pag-amin naman ng alkalde, “Naawa ako sa ‘yo eh. Nag-alala ako na masabi ko sa ‘yo. Mukhang nadale ito ng virus or something.”

Inisip din daw ng mayor na buntis ang aktres, “Eh, usually baka mamaya…lalo na ‘yung suka. So I just thought, maybe buntis ‘to.”

Nang tanungin ni Alex kung nandiri ba siya nang makita na ang “something” sa kanyang pantalon, “Hindi naman. Normal sa akin ang makakita ng echas. ‘Yung kaklase ko nga nu’ng araw umeechas lumalabas ‘yung bulate.”

Hirit pa ng TV host sa ginawa niya kay Isko, “Ito ang pinakanakakahiya kong ginawang prank pero ang bait ni Yorme! Ha-hahaha! Napahiya at na-echas prank!”

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.
Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: Alex Gonzaga, Isko Moreno, kwek-kwek, National Museum of Natural History, prank

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.