Celebrities

Pamilya ni Ellen hindi raw boto kay John Lloyd kaya naghiwalay; JLC may binayarang P20-M kay Katrina?

SA Tali Beach sa Batangas nag-celebrate ng ika-38th birthday ang aktor na si John Lloyd Cruz kasama ang anak na si Elias.

Maraming showbiz friends na imbitado si Lloydie kabilang na sina Maja Salvador at boyfriend na si Rambo NuÑez at si Katrina Halili na nag-post pa ng mga larawan nila ng aktor at anak nito sa social media.

Walang project sina Katrina at John Lloyd, pero magkaibigan kasi sila at bumili pa ng dalawang lupa ang aktor sa aktres.

Nalaman namin na maraming lupain si Katrina sa Palawan at nagustuhan ni Lloydie ang lugar nang mag-shoot siya ng isang pelikula ilang buwan na ang nakararaan.

At dito niya raw nabanggit na gusto niyang magkaroon ng lupa sa nasabing probinsya para patayuan ng kanyang resthouse.

“Dalawang malaking cut ng lote ang nabili ni John Lloyd kay Katrina, hindi ko alam kung ilang square meters pero sa tantiya ko, abot siguro ‘yun ng P20 million.

“Nagpatayo ng glass house sa itaas ng bundok sa El Nido si John Lloyd, malaki ang property niya ro’n.  Patapos na ‘yung main house,” kuwento ng common friend namin nina John Lloyd at Katrina.

Tinanong namin kung for business purposes ba ang pagpapatayo ng aktor ng bahay sa Palawan dahil malaking lupa nga ang binili niya, “Hindi, bakasyunan lang niya,” sambit sa amin.

Simple lang daw ang aktor, hindi nito ipinagyayabang ang mga property at investments niya.

Sabi ulit sa amin, “Alam mo bang may isang bahay siya na pinalagyan niya ng aircon dahil punumpuno ng paintings? Mahilig sa paintings si Lloydie. Alam mo naman magkano ang worth ng paintings ngayon di ba?”

Sabi namin, sa panahong karelasyon ni John Lloyd ang ina ng anak niya na si Ellen Adarna ay hindi rin naman pala alangan ang binata pagdating sa yaman ng aktres.

“Oo naman, hindi talaga, hindi lang talaga boto ang pamilya ni Ellen kay John Lloyd kaya sila naghiwalay.  Kahit anong gawin niya (JLC), hindi siya gusto,” diretsong kuwento ng aming kausap.

Hala, may revelation pa kaming nalaman, huh! Hindi naman kasi nagdetalye sina Ellen at John Lloyd tungkol sa kanilang break-up kaya nagulat din kami sa sinabi ng aming source. Totoo man ito o hindi ang mahalaga maayos ang relasyon nila para sa anak nilang si Elias.

Anyway, it doesn’t matter na rin naman dahil sa ngayon ay maligaya na si Ellen sa piling ng fiancé niyang si Derek Ramsay.

TAGS: 38th birthday, Ellen Adarna, John Llyod Cruz
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.