Celebrities

Pia Wurtzbach nangarap maging singer noon, nagtrabaho rin bilang waitress

Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

PINAGHAHANDAAN na ng beauty queen-actress na si Pia Wurtzbach ang kanyang future, kabilang na riyan ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Isa sa mga preparasyon na ginagawa ngayon ng ating Miss Universe 2015 ay ang pagbabalik sa pag-aaral para mas mahasa pa ang kanyang kaalaman pagdating sa pagnenegosyo.

Sa mga hindi pa nakakaalam may mga sariling business na rin ngayon si Pia kaya naisipan niyang kumuha ng kursong entrepreneurship habang nasa Abu Dhabi kasama ang kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey.

“Now, as we speak, nag-aaral ako ngayon ng entrepreneurship. Online lang.”

“Nag-aaral ako sa Open University sa UP (University of the Philippines) ng entrepreneurship. Pero non-formal course kasi high school lang ako,” pahayag ng dalaga sa online chikahan nila ni BJ Pascual.

Sa ngayon, may milk tea business na si Pia kung saan kasosyo niya ang kaibigang si Pauleen Luna-Sotto at Chef Niña Almoro. Nakipag-collaborate rin siya recently sa isang beauty brand para sa kanilang makeup line.

Sa ngayon, siya na rin ang humahawak sa kanyang career, “I also manage my career. I’m very hands-on with the direction I want to go and the projects I want to do, so in a way napa-practice ko naman ‘yung entrepreneurship sa sarili ko.”

Dagdag pang chika ng dalaga, “Pero I know that I really have to gain more knowledge if I want to make my own brand or my own product one day.

“‘Yun ‘yung goal ko, gusto kong magkaroon ng sarili kong something na I can say that I made and that I own, and that I am now sharing to the world,” aniya pa.

Alam ni Pia na walang forever sa mundo ng entertainment at darating din ang panahon na hindi na siya magiging aktibo sa showbiz, kaya talagang pinaghahandaan na niya ito ngayon pa lang.

“Gusto ko ‘yung maging secure ako sa buhay ko kahit hindi na ako artista or beauty queen. Kasi tatanda rin ako, one day mag-iiba na focus ko, pamilya na, ganyan.

“I need to create something that will last, that won’t require me being in front of the camera all the time. Being realistic lang naman, di ba?

“Gusto kong fallback ‘yung business. And whatever that may be, we’ll see. Pero may mga niluluto na ako,” dugtong pa ni Pia.

Kamakailan, nag-post ang actress-beauty queen ng isa niyang litrato kung saan inamin niya na ang isa sa mga ultimate dream niya ay maging singer.

“Did you know that my first dream was to become a singer? Well, things didn’t pan out that way but I did start with modeling and then acting.

“I even worked as a waitress before realizing I wanted to become a chef. So I did actually graduate from culinary school and as they say, the rest is history.

“Looking at this photo, I’m glad I had the courage to say YES to chase my dreams and I hope as you read this, you find the courage to chase your dreams too!” lahad ni Pia Wurtzbach.

TAGS: Jeremy Jauncey, Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.