Showbitz

Sandro Marcos may dyowang taga-showbiz, sino nga kaya?

IBINUNYAG ni Bacoor City Representative na si Lani Mercado na kasalukuyang in a relationship ngayon ang Ilocos Representative na si Sandro Marcos.

Habang naka-Facebook live kasi ito noong inauguration ni Vice President Sara Duterte ay nagkausap ang dalawa at dito nga ay biniro ng asawa ni Sen. Bong ang binata ukol sa love life nito.

“Hello, Sandro. Ang girlfriend mo pala is taga-Bacoor. Nakuwento ni Bryan (Revilla) sa akin,” saad ni Cong. Lani na kinumpirma naman ng binata.

Pahabol pa niya, “But atin-atin lang ‘yan ha?”

Ngunit wala talagang sikretong hindi nabubunyag dahil pinangalanan naman ng talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis kung sino nga ba ang dyowa ni Sandro.

Sa kanyang Instagram account ay tinukoy niya na si Alexa Miro ang diumano’y nagpapatibok ng puso ni Sandro.

“Talagang nagkaruon ng baptism of fire sa showbiz si Sandro Marcos, Salve.

Usapan na nali-link siya kay Alexa Miro, isang sexy starlet na kasali sa Lunch Out Loud,” umpisa ni Manay Lolit.

“Bongga, crush ng bayan ang batang Marcos, heto at meron pala isang starlet na nakuha ang attention ng binata.

Kaloka dahil isang achiever si Sandro na sa batang edad ay isa ng congressman at hinuhulaan na mas mataas pa ang mararating sa larangan ng pulitika,” pagpapatuloy niya.

Aniya, wala naman daw masama kung ma-link ang aktor kay Alexa dahil pareho naman silang single.

“Hindi naman ibig sabihin ito na ang isang seryosong relasyon. Single at puwede mag-mingle lahit kanino si Cong Sandro at tiyak na marami pa ang mali-link sa kanya dahil prize catch siya na isang certified bachelor.

“Maraming babae na gugustuhin ma link sa kanya, kaya humanda na siya sa mga balitang tulad nito. Lalo pa nga at ngayon lang uli nagkaruon ng eligible bachelor na mataas ang premium para sa mga naghahanap ng Papa, hah hah hah. Huwag lang kay Gorgy at Salve ma link si Cong Sandro, ok lang, no problem. Binatang binata at pogi, why not,” sey ni Manay Lolit.

Samantala, wala pang pahayag si Sandro at Alexa Miro ukol sa balitang ito.

Bukas naman ang Bandera hinggil sa paliwanag ng kampo ng dalawa hinggil sa chikang kumakalat.

RELATED STORIES

Sandro Marcos is new Ilocos Norte representative

‘Wag magsama ng mas magandang lalaki’, Marcos says at rally as crowd looks for son Sandro

TAGS: Alexa Miro, Cebu Daily News, Sandro Marcos, Showbiz news
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.