Showbitz

Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

PINASABOG na nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang radio program na “Cristy Ferminute” na lolo na si Manila Mayor Isko Moreno.

Bungad ng online host at batikang manunulat, “lolo na po si Mayor Isko Moreno. Dahil po sa lumabas na kuwento nu’ng kasagsagan ng kampanya hanggang eleksyon na hindi po nila kinontra at hindi rin po sinang-ayunan.

“Heto po ipinanganak na po ang baby ni Joaquin Domagoso na kamukhang-kamukha raw ni mayor. Batang lalaki na pinangalanan nilang Scott. Alam mo ba kung anong tawag kay mayor sa Tondo ng mga kapitbahay niya Iskat parang Iska. Nakakatuwa lolo na si Yorme.”

Kaya pala biglang nahinto na sa kanyang showbiz career si Joaquin ay dahil nakatutok siya sa kanyang girlfriend habang nagdadalangtao ito ayon naman sa aming source na talagang mega asikaso ang batang ama.

Dagdag din ni Romel na dalawang buwan na palang nakakapanganak ang kasintahan ni Joaquin.

Sabi pa ni nanay Cristy, “at napa-cute raw po ng baby ni Joaquin Domagoso ang tambok-tsmbok ng pisngi, ang taas ng ilong at ang guwapo-guwapo.

“Ngayon kung tatanungin ninyo po kami kung sino ang mommy ng baby, hayaan na lang po natin na ang magsabi nito ay si Joaquin kapag nagbigay siya ng pahayag. Pero alam din po namin siyempre ang pangalan ng babae, artista rin naman ito, eh, di ba?”

Nabanggit din ng manunulat na kaya pala walang imik ang kampo nina yorme nang lumabas ang tsikang nakabuntis si Joaquin.

“Busy na kasi sila no’n ‘nay sa pangangampanya,” sabi naman ni Romel.

“Pero alam mo ang laking bagay no’n na hindi sila nagsalita (na) kapag wala kang kinontra, wala kang babawiin kapag totoo pala!

“Hindi sila ngayon maghahabol na ang pagdi-deny nila ay ipagtatanggol nila, di ba? Maganda ‘yung ganu’n,”sabi naman ni ‘nay Cristy.

Kaya ang payo nito, “kaya sa lahat na ganito ang kaso, ‘wag na po kayong magde-deny para kapag dumating ika nga ang ‘paghuhukom’ wala kayong babawiin.”

Dagdag pa, “oo batang ama si JV, pero responsableng batang ama pinanindigan niya ang pagdadalang tao ng kanyang karelasyon at binigyan niya ng pangalan ang kanilang baby.”

Pero sa huling parte ng programa ay binanggit din ni nanay Cristy ang pagkakakilanlan ng girlfriend ni Joaquin base sa tsika ni Tita Dolor Guevarra na manager ni Carmina Villaroel.

Ayon kay nanay Cristy, “iniipit-ipit pa natin ang pangalan ni Rafa heto si tita Dolor Guevara na mismo ang nagsabi, anak ng ating kapatid dito sa TV5 na si Diego Castro ang ina ng sanggol.”

Si Diego Castro ay kasalukuyang isa sa anchorman ng “One Balita Pilipinas” news program ng TV5.

RELATED STORIES

Mayor Isko grateful for Cebuanos’ warm reception

Joaquin Domagoso bukas ang isip at puso sa pagpasok sa politika tulad ni Isko, pero…

TAGS: APO, Cebu Daily News, Cristy Fermin, Isko Moreno, Joaquin Domagoso, lolo, Showbiz news
Latest Stories
Most Read