Celebrities

Heart Evangelista dinedma nga ba ang birthday ni Chiz Escudero: ‘Wala man lang greetings, kumare?’

 

Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero

KAARAWAN ni Sen. Chiz Escudero noong October 10, pero ang inaabangang pagbati ng kanyang misis na si Heart Evangelista ay hindi nangyari.

Talagang tinutukan ng mga Marites kung magpo-post ba ng birthday greeting ang Kapuso actress para sa kanyang asawang senador pero natapos nga ang October 10 ay walang paramdam sa social media ang fashion icon.

Ayon sa ilang netizens, mukhang nagkanya-kanya na talaga ng landas ang celebrity couple dahil sa pangdededma umano ni Heart kay Chiz sa espesyal na araw nito kahapon.

Buti pa raw si Sen. Robin Padilla ay hindi nakalimot bumati sa ika-53 kaarawan ng kapwa niya senador kung saan nagpasalamat naman sa kanya si Chiz. Pati na rin ang iba pang kilalang personalidad.

Ilang netizens din ang bumati kay Chiz at nagsabing umaasa sila na magkakaayos pa rin ang mag-asawa lalo pa’t suot pa rin ng senador ang kanyang wedding ring.

Napansin din nila na hindi pa rin binabago ng senador ang nakasulat sa profile ng kanyang IG account na: “Doting Dad. Happy Husband. Proud Public Servant.”

Samantala, sa Instagram account naman ni Heart marami ang nag-post ng tanong tungkol sa birthday ng kanyang asawa. Narito ang ilan:

“Wala man lang greetings, kumare? Sad.”

“Bakit po hindi mo binati si Chiz? Birthday niya kasi ngayon.”

“Madame, birthday po ng ex H(usband) niyo.”

Nasa Paris pa rin ngayon si Heart at balitang nakakuha na rin ng kanyang apartment doon. Mukhang tototohanin nga ng Kapuso actress ang sinabi niya na hindi muna siya uuwi sa Pilipinas dahil baka magtagal siya sa ibang bansa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita at naglalabas ng official statement ang mag-asawa hinggil sa tunay na estado ng kanilang pagsasama.

Ngunit marami ang naniniwala na hiwalay na nga ang dalawa.

ALSO READ: 

Heart Evangelista in Paris: ‘I miss Chiz’

Heart Evangelista will forgive Chiz Escudero if he cheats: ‘Because I love him’

TAGS: birthday, birthday greeting, Cebu Daily News, Celebrities, Chiz Escudero, Chiz's birthday, Heart Evangelista, Heart-Chiz
Latest Stories
Most Read