Showbitz

Lie Reposposa hirap mag-English kapag kausap ang dyowang afam: Palaban ako sa Google translate!

Photo of EX-PBB housemate Lie Reposposa.

Lie Reposposa file photo

IKINUWENTO ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Lie Reposposa kung paano niya nakilala ang kanyang boyfriend na si Paul Joshua Marsden.

Sa kanyang panayam sa “Magandang Buhay” nitong Miyerkules, April 26, ibinahagi ng dalaga na aksidente lang na nakita niya ito dahil sa kanyang boredom.

“Nag-search lang ako ng mga pangalan kasi bored kasi ako nun, wala akong magawa,” saad ni Lie.

“Tapos pagka-search ko nakita ko yung picture niya edi clinick ko tapos timing nun, meron siyang story kaya hineart ko para naman my first move,” pagpapatuloy niya.

Kuwento pa niya, sinabi raw noon ni Paul na maganda siya kaya napa-follow na rin ito sa kanya.

“Tapos hindi ko siya finallow kaya siya yung nag-follow sa’kin tapos hineart niya lahat ng mga post ko,” sey pa ni Lie.

Pagkatapos daw ay napa-DM ang binata sa kanya ng “You look so beautiful” matapos makita ang isang IG story nito.

Kuwento pa ni Lie, magaan raw kausap ang binata at para itong “boy version” niya sa pagkakaparehas nila ng personalidad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lie (@liereposposaofc)

Na-curious naman ang isa sa mga “Magandang Buhay” hosts na si Melai Cantiveros kung hindi ba ito nahihirapan sa pakikipag-usap sa dyowa.

“Nung una nahirapan talaga ako kaya palaban ako sa Google translate, yung mga Tagalog. Tapos nagugulat siya kasi ang tagal ko raw mag-reply,” natatawang kwento ni Lie.

Aniya, umabot rin daw ng dalawang buwan ang pag-uusap nila online ng kanyang dyowa bago sila nagkita.

Talaga namang ang haba ng hair ni Lie dahil dinayo siya ni Paul sa Pilipinas para finally ay makita na siya nang personal.

“’Di ko talaga alam na pupunta talaga siya, na serious talaga siya sa akin. Sabi niya pupunta raw siya sa Pilipinas para sa ‘kin lang. Tapos bumili siya ng ticket, nagkita kami

“Grabe pogi na siya sa picture pero sa personal grabe sobrang pogi. Ang flawless! Grabe promise tapos ang tangkad,” kinikilig pang sabi ni Lie.

Chika pa niya, pinaghandaan niya ang pagkikita nila ng jowa at nagpaganda at nag-workout ito para sa pinakamasayang pagkikita nila.

Matatandaang nitong December 2022 nang i-reveal ni Lie ang dyowa sa social media.

RELATED STORIES

Engagement ni Ex-PBB housemate Lie Reposposa sa kanyang British BF fake news: ‘Promise ring pa lang po yung isinuot sa akin’

Bisaya ex-PBB housemates unite for collab in Kim Chiu’s vlog

TAGS: boyfriend, British, Showbiz news
Latest Stories
Most Read