Entertainment Showbitz

Maine nakipag-agawan ng hilaw na mangga kina Paolo, Jose at Wally: ‘Uy, hindi ako naglilihi, gusto ko lang talaga to!’

Maine Mendoza

Maine Mendoza, buntis nga ba o paborito lang talaga ang hilaw na mangga?

KAALIW ang pagbibiruan ng mga Dabarkads sa isang live episode ng “Eat Bulaga” sa pagbabalik ni Maine Mendoza sa programa matapos mag-absent ng ilang araw.

Trending sa social media ang muling pag-apir ng Phenomenal Star sa longest-running noontime show sa bansa dahil sa panunukso ng kanyang mga co-hosts.

Nakipag-agawan kasi si Maine ng mangga sa Dabarkads na sina Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo sa isang segment ng programa.

Napagtripan kasi ng apat na “Eat Bulaga” hosts ang isang bayong ng hilaw na mangga sa studio. Sigaw nga ni Jose, super favorite raw ni Maine ang mangga.

“Happiness ito!” ang mabilis namang sagot ng future wife ng actor-public servant na si Cong. Arjo Atayde.

Pero bigla namang kumambiyo si Maine at humirit ng “Uy, hindi ako naglilihi, gusto ko lang.” Na sinagot ni Paolo ng, “Defensive friend, ha?”

Sey naman ni Maine kay Pao, “FYI, kakulay ng damit (naka-all green OOTD ang dalaga kahapon).

Kinumpirma naman ni Bossing Vic Sotto na magnininong siya sa kasal nina Maine at Cong. Arjo. Bukod dito, kinuha rin siyang ninong nina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

“Oo naman. Hindi pwedeng tanggihan,” ang sabi ni Bossing Vic sa isang panayam.
Samantala, tatapusin na nga ang sitcom nina Maine at Vic na “Daddy’s Gurl” sa GMA 7 na papalitan ng “Open 24/7” na pagbibidahan pa rin ni Bossing and this time ay si Maja naman ang kanyang kasama.

Sey ng komedyante, maganda na tinapos nila ang “Daddy’s Gurl” habang maganda pa ang ratings nito. Limang taon din daw silang nagsama ni Maine sa programa at desisyon na mismo ng dalaga na magpahinga muna sa paggawa ng sitcom.

“Yeah, kasi medyo mag-iiba na (siya) ng landas, pero ganu’n pa rin, showbiz pa rin,” sey ni Bossing.

ALSO READ:

Maine Mendoza grows sentimental as she bids goodbye to role in ‘Daddy’s Gurl’

Rabiya Mateo dreams of owning a funeral parlor, and for a good reason

 

TAGS: Celebrities, Eat Bulaga, entertainment, Maine Mendoza
Latest Stories
Most Read