Showbitz

Jimmy Santos ‘nangalakal’ sa Canada, ibinandera ang halaga ng pagre-recycle

Photo of Jimmy Santos collecting recyclable materials like bottles and cans while in Canada.

PHOTO: Screengrab from YouTube/Jimmy Saints

KAKAIBANG experience ang ibinandera ng batikang komedyante at TV host na si Jimmy Santos habang siya’y nasa Canada.

Isa na riyan ang pangangalakal niya ng karton, lata at bote.

Hindi kasi tulad dito sa Pilipinas, obligado talaga ang mga nasa Canada na isauli ang mga pinamili at ginamit na mga kalakal.

Sa pamamagitan ng YouTube vlog ni Jimmy, ipinakita pa nga niya na may maayos na pasilidad ang nasabing bansa para rito.

Ipinaliwanag rin ng komedyante na hindi kada kilo ang bentahan doon, kundi kada piraso.

Bottle Depot

Sey pa niya, may deposito na sampung sentimo kada lata ang mga binibili sa grocery at naibabalik lang daw ito kapag nagpupunta sila sa nabanggit na “bottle depot” para isauli ang mga lalagyan.

“Ako po ay nandito sa tinatawag nilang ‘South Pointe Bottle Depot.’ Ang ibig sabihin niyan, magbebenta ng mga lata rito, ‘yung mga pinaglalagyan ng mga tubig, softdrinks ay talaga namang dinedeposito dito at binebenta nila,” sambit ni Jimmy sa kanyang vlog.

“May halaga po ito. Ang bawat isa nito may 10 cents na deposito nito. Para sa ganun po, ma-obliga kayo na ibalik ito dito para ma-recycle,” patuloy pa niya.

Mapapanood din na matapos mabilang ang dalang kalakal ni Jimmy ay bibigyan siya ng resibo upang dalhin sa scanning machine na siyang magbibigay sa kanya ng pera.

Nabanggit ni Jimmy na nagkakahalaga ng $15 o mahigit P600 ang kinita niya mula sa mga ibinalik niyang mga lata, bote at karton.

Recycle

Ayon kay Jimmy, malaking bagay para sa ating kalikasan ang pagre-recycle kaya niya naisipang i-share ang maayos na sistema ng Canada pagdating sa pangangalakal.

“Malaking bagay ‘yan kaya ito po ay ibinahagi at ipinakita ko sa inyo ang sistema ng mga nagbebenta ng bote dito,” saad ni Jimmy.

Aniya pa, “Maganda, masaya at kunswelo dahil nakakatulong sa pagre-recycle ang mga ibinenta nating bote, karton, at ‘yung mga nabubulok po na ginagawang fertilizer.”

Kung matatandaan, ibinunyag ni Jimmy na tuluyan niyang nilisan ang pagsho-showbiz dahil sa pandemya.

Magugunitang mahigit tatlong dekada ang inilaan ng komedyante sa showbiz industry at isa siya sa mga pinakamatagal na naging host ng noontime show na “Eat Bulaga” mula pa noong 1983.

RELATED STORIES

‘Eat Bulaga’, Tito, Vic & Joey tuloy na ang paglipat ng TV network, true bang mapapanood nang sabay sa TV5 at Kapamilya Channel?

Has the dust finally settled on ‘Eat Bulaga’?

TAGS: bottles, Canada, host, recycle
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.