Showbitz

Pagpapakasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque fake news: ‘Hindi pa kami engaged!’

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

PINABULAAN ng award-winning actress na si Bea Alonzo ang mga tsismis na nag-propose na sa kanya ang boyfriend na aktor na si Dominic Roque.

Kung maaalala, noong nakaraan lamang ay nag-trending ang Instagram post ni Dominic na kung saan ay ibinandera ang romantic date by the beach nila ni Bea.

Finger heart emoji lang ang naging caption ng aktor sa nasabing post, pero maraming netizens ang napa-comment at naghinala na baka engaged na ang dalawa.

Samantala, ayon sa naging interview ni Bea sa programang “Unang Hirit” ng GMA-7 noong June 7, mahilig lang talagang mag-post si Dom ng throwback pictures nilang dalawa sa social media.

“Picture ‘yun noong nagpunta kami sa Amanpulo na akala ng mga tao na engaged kami,” sey niya.

Baka Bet Mo: #Anyare: Relasyong Bea Alonzo-Dominic Roque pang-Instagram lang?

Giit pa niya, “Hindi, hindi pa [kami engaged] po.”

Noong nakaraang buwan lamang ay nagpasabog din ng kilig ang celebrity couple matapos i-flex sa social media ang ilang ganap nila habang nagbabakasyon sa California.

Ayon sa premyadong aktres, talagang sinisiguro nila ni Dom na nabibigyan nila ng quality time ang isa’t isa kahit pa gaano sila ka-busy sa kani-kanilang respective career.

Matatandaan noong August 2021 nang kinumpirma ni Bea ang tunay na relasyon nila ni Dom.

Noong October 2022 naman nang ibinunyag ng showbiz writer na si Ogie Diaz na umamin sa kanya si Dom at sinabing sigurado na raw siya kay Bea.

“Sabi ni Dom, hindi naman talaga nila napag-uusapan ni Bea ‘yung kasal for now,” sey noon ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Pero syempre kung siya ang tatanungin, sigurado daw siya na si Bea ‘yung kanyang pakakasalan. ‘Sure ako kay Bea,’ sabi niya.”

Related Chika: 

Harry Roque: Ate Ai, hindi ka nagkamali sa sinamahang grupo… hindi mawawala ang iyong prangkisa

Jason Momoa ‘first time’ magiging kontrabida, makakalaban si Vin Diesel sa bagong action film na ‘Fast X’

TAGS: Bea Alonzo, Roque
Latest Stories
Most Read