Showbitz

Luis Manzano may ‘trivia’ kung ilan ang nagsimula ng ‘Eat Bulaga’, Anne Curtis nadamay?

MAY nakakatawang hirit ang TV host-vlogger na si Luis Manzano ukol sa mga nagpasimula ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.

Ilang araw na ring trending ang naturang programa buhat nang biglaang magbitiw sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba pang mga legit dabarkads hosts sa puder ng TAPE Inc.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Luis ang larawan ng TVJ at sinabing may kasama pa raw itong isa na nagsimula sa “Eat Bulaga”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

“Trivia- 4 sila nagsimula ng Eat Bulaga, tapos di niyo nalang nakikita isa kaya TVJ nalang natira,” pagbabahagi ni Luis.

Pagpapatuloy pa niya, “Cena [sina], Tito, Vic , at Joey…. Nasa kanta na nga di niyo pa alam… hellleerrrrr.”

Marami naman sa mga netizens maging sa mga celebrity friends ni Luis ang natawa sa kanyang hirit.

“Ang aga bro,” komento ni Drew Arellano.

Baka Bet Mo: Luis Manzano hiniritan si Jessy Mendiola sa pagkakaroon ng anak: Gawa 1 more?

“Luis…. Mataas respeto ko sayo bilang artista. Pero ang korni mo dito hahahah,” saad ng isang netizen.

Komento naman ng isa, “Ang alam ko nga talaga 4 sila. Mas pinili lang mag wresting nung isa kaysa mag host.”

Maging sina Gary Valenciano, Vina Morales, at Gretchen Fullido ay nagkomento sa post ni Luis.

At nitong gabi lang nga ay may pahabol pa ang asawa ni Jessy at damay pa ang isa sa bestfriend niyang si Anne Curtis.

Sey ni Luis, “5 palacdila nagsimula!!!”

Aniya, bago raw maging parte ng “It’s Showtime” ang asawa ni Erwan ay nasa “Eat Bulaga” ito.

“Naikwento ng aming team na bago pala sya magshowtime ay kasama muna si Anne sa Eat Bulaga. nasa kanta na nga di niyo pa alam!! Haaaaaay naku!” hirit ni Luis.

Sabi ng netizen, “Napakanta ako bigla! Cena, Tito, Vic, Anne, Joey.”

“Medyo napaisip ako don ha. CENA TITO VIC ANNE JOEY PALAA,” chika naman ng isa nang ma-gets ang joke ni Luis.

Related Chika:
Jessy Mendiola may pangako kay Luis Manzano: I will be there to fight your battles for you

Luis Manzano naisipan na ring mag-retire sa showbiz: Kung alam n’yo lang kung gaano rin kadumi ang industriya…

TAGS: Luis Manzano, Tito Sotto, Vic Sotto
Latest Stories
Most Read