Life! Showbitz

Xian nganga sa lato-lato challenge, Kim iba ang gustong makalaro: ‘Pa mine po…yung naka-black!’

lato-lato Xian Lim

Xian Lim at Kim Chiu

KUMASA ang Kapuso actor at director na si Xian Lim sa usung-uso ngayong “lato-lato” challenge.

Sa kanyang Instagram account, makikita ang ipinost na video ng boyfriend ni Kim Chiu nitong nagdaang June 24, kung saan makikita ang paglalaro niya ng kontrobersyal na “lato-lato.”

Aliw na aliw ang mga netizens sa pagta-try ng aktor na ma-perfect ang paglalaro ng hot toy ngayon na tinawag niyang “Gym version lato-lato” pero hindi nga niya nito makuha-kuha ang tamang beat.
At dahil nabigo nga sa kanyang attempt, gumawa na lang si Xian ng edited version kung saan na-perfect na niya ang tamang beat.

READ MORE: ‘Lato-lato’ makes wedding cameo in Tandag City

Sandamakmak na reaksyon ang nakuha ng IG post ni Xian, kabilang na riyan ang nakakalokang comment ni Kim na nagpakilig sa mga fans at netizens.

“(laughing-crying emoji) pa mine po ng black! Yung naka black! (black heart emoji)” ang maikli ngunit punumpuno ng kilig vibes na sabi ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)

Narito naman ang mga nakakawindang na hirit ng mga IG followers ni Xian sa double-meaning na komento ni Kim.
“Yours napo sya. love you both as always.”

“Iyong ito na po.”

“Check out mo na at para madeliver na agad.”

“Ayieee kilig naman ako sa inyo.”

“Of course i know that you’re referring to the ManInBlack!! don’t worry Kimmy! mrRightXian is definitely YOURS!!”

“Yours na po paki screenshot na lang 123 321.”

TAGS: celebrity, entertainment, games, showbiz
Latest Stories
Most Read