Life! Showbitz

Lolit Solis sa karera ngayon ni Willie Revillame: Sa isang iglap bilang naging laos

Lolit Solis sa karera ngayon ni Willie Revillame: Sa isang iglap bilang naging laos

IBINAHAGI ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang kanyang opinyon ukol kay Willie Revillame.

Sa mga nagdaang araw ay laman ng mga balita ang “Wowowin” host matapos itong makipag-meeting sa mga Jalosjos at ang pa-teaser nitong magbabalik na siya sa isang Facebook post.

“Nakaka sad naman Salve mga nangyayari ngayon. Para bang gusto mo na lang isipin parang isang panaginip na lang ang mga nagaganap. Hindi mo aakalain na ngayon naghahanap ng isang network si Willie Revillame na kukupkop sa kanya. Samantalang nuon kasikatan niya para siyang hari o king na hinahabol habol,” panimula ni Lolit.

Aniya, hindi raw niya naisip na darating sa puntong walang papansin sa personalidad gayong sikat naman ito noon.

“Maiisip mo ba na isang Willie Revillame malalaos at wala ng pumapansin ? Hindi man lang siya napag usapan ng magkaruon ng issue ang mga afternoon shows dahil sa tapatan,” chika pa ni Lolit.

Dagdag pa niya, “Wala man lang naghanap sa isang Willie Revillame. Sa isang iglap bilang naging laos si Willie.”

Nagbigay naman ng advice si Lolit sa TV host.

Baka Bet Mo: Lolit Solis may tampo nga ba kay Willie Revillame, may sey sa chikang papapalitan ang TVJ: ‘Mahina ang magiging dating’

“Kaya nga ang advice namin sana mag retire muna siya at bumalik kung meron ng naghahanap sa kanya. Mukha naman kawawa ang isang Willie Revillame kung nandiyan siya at walang pumapansin di ba

“Alam mo naman kung minsan harsh ang mga fans, pinapa feel nila sa iyo na you don’t matter anymore. Kaya nga ikaw mismo dapat tanggap mo ano talaga status mo,” lahad ni Lolit.

Aniya, kawawa naman daw si Willie kung walang sisigaw na manonood para sa kanya at nakakahiya naman kung hindi totoo at bayaran lamang ang kanyang audience.

Ikinabigla rin daw ni Lolit ang biglaang pakikipagkita nito sa magkapatid na Jalosjos, ang producer ng “Eat Bulaga” at ang chikang sinisiraan nito ang kasalukuyang hosts ng noontime program.

“Kung tutuo na siniraan pa raw ang mga hosts ngayon ng Bulaga bongga siya, ganda mg ugali niya ha, tirador talaga. Pero hayan nga, walang pumansin, walang nag effort na isali siya, as in waley, kaya dapat tanggapin na.

“Hindi na niya talaga panahon,wala na siya sa radar, dapat tahimik na lang siya at bilangin mga datung na naipon niya nuon. Mas maganda pa iyon, kesa parang pulubi na kumakatok sa mga pinto para mabigyan ng oras. No more time, pahinga muna,” hirit pa ni Lolit.

Related Chika:
Willie Revillame naglo-loyalty check na matapos ang mga kinasangkutang kontrobersiya

Willie ayaw daw munang magtrabaho; Cristy sa sulsulerang staff ng TV host: ‘Ikaw na beki ka, ‘yang dila mo putulin mo!’

TAGS:
Latest Stories
Most Read