Life! Showbitz

Toni Fowler binigay ang artista van sa pangalawang anak ni Papi Galang, netizens napa-‘sana all’ na lang

Toni Fowler

SINO nga ba ang hindi mapapa “sana all” sa pagkakaibigan ng dalawang social media influencer na sina Toni Fowler at Papi Galang?

Sa latest vlog kasi ng isa sa mga “FPJ’s Batang Quiapo” cast ay ibinahagi nito ang kanyang regalo sa newborn baby ni Papi na si Yabi.

Matapos ang ilang araw na hindi pagkikita ng mag-tiyahin matapos itong ma-discharge mula sa pagkaka-confine sa ospital dahil sa sakit ay sinamantala ni Toni ang pagkakataon para dalawin ang pamangkin.

Matatandaang ibinahagi ni Papi sa kanyang vlog na nagkasakit at kinailangang itakbo ang anak sa ospital ilang linggo makalipas itong ipanganak.

Mabuti na lamang at naagapan agad at naging matatag ang baby kaya naman naiuwi na niya ito at si Toni rin ang nagbayad ng bill sa ospital.

READ MORE: Toni Fowler nag-attitude, nag-walkout sa taping sa ‘Batang Quiapo’: ‘Hindi ko na talaga kaya Direk, tanggalin n’yo na lang ako!’

Kaya naman ng nagkaroon na siya ng pagkakataon na masilayan ang pamangkin ay agad siyang pumunta sa tinutuluyang condo ng Team HaPi.

“Dadalaw muna ako kila Yabi… gusto ko siyang makita pero hindi naman ako lalapit, promise… Sobra ‘yung pagmamahal ko kay Yabi,” pagbabahagi ni Toni.

Maririnig sa background na kinuha ni Tito Vince ang susi ng artista van kay Harvey at sinabing pansamantala muna nila itong gagamitin dahil may pupuntahan silang magdyowa.

Bago lumapit si Toni ay nagbihis muna ito ng PPE at siniguradong naghilamos at nag-sanitize para sa seguridad ng bata.

Talagang excited siyang muling mabuhat ang pamangkin kaya naman nang mahawakan ay agad niya itong nilambing at nilaro-laro.

“May bibigay ako kay Yabi. Akina. Ibibigay ko to kay Yabi. Bigay ko na lang to kay Yabi.. Magugugustuhan mo ba ‘to?’ sabi ni Toni sabay pakita ng susi ng artista van.

Natatawa naman sa tabi niya ang best friend na si Papi at inaakalang nagbibiro lang ang kaibigan.

“Oo nga binibigay ko na kay Yabi kasi mas komportable ka doon,” sey ni Toni.

Hindi makapaniwalang tanong ni Papi, “Hindi nga?” habang natatawa na naiiyak.

Hindi ito ang unang pagkakataon na binigyan ng sasakyan ni Toni ng kaibigan.

“Yung Tucson, kay Papi. Ito para na lang kay Harvey. Kasi noong si Hapi nag-artista van, hindi siya sumuka. Tsaka nag-usap kami ni jowa [Vince]… Hindi ko naman nagagamit rin. Si Harvey lang marunong [nu’n] mag-drive para masakto siya sa may pamilya, may mga bata,’ eksplanasyon ni Toni.

“Magagalit na naman sa akin ‘yung mga tao. Alam mo ba sunud sunod na. May Tucson ako tapos binayaran mo ‘yung ospital tapos ayan na naman, may sasakyan,” naiiyak ma sabi ni Papi.

Dahilan nina Toni, para raw anytime na nais gamitin ng Team HaPi ang sasakyan ay hindi na nito kailangan pang magpaalam sa kanila.

Akala rin kasi ng social media personality na magagamit niya ang ang sasakyan sa kanyang mga taping ngunit na-realize nitong mas maliit na sasakyan ang kailangan niya.

Bukod pa rito, may bagong sasakyan na balak bilhin si Toni kaya ibinigay na niya sa pamilya ng pinsa at kaibigan ang artista van.

Tuwang tuwa naman at napa-sana all na lang ang mga netizens sa klase ng pagmamahal na mayroon ang dalawang magkaibigan.

“Deserve mo yan papi, simula nung walang wala pa si oni andyan ka na sa tabi niya hindi mo siya iniwan andaming nag daan sa buhay niya pero ikaw andyan ka pa din sa hirap at ginhawa mag kasama talaga kayo. Sobrang saya ko para sainyong dalawa,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kaya madami kami na nagmamahal syo Toni F. dahil napakabuti ng puso mo. Napaka loving mo at maalaga.”

“mommy oni grabee iyak ko sa ginawa mo po sana all may ikaw na tumutulong hirap ng buhay,” dagdag pa ng isa.

TAGS: Celebrities, showbiz, social media
Latest Stories
Most Read