Life! Showbitz

Herlene Budol lumalaki na nga ba ang ulo, source ni Ogie Diaz nagsumbong sa pagiging unprofessional ng dalaga

Herlene Budol lumalaki na nga ba ang ulo, source ni Ogie Diaz nagsumbong sa pagiging unprofessional ng dalaga

HOW true nga kaya ang chika na tila lumalaki na ang ulo at tila nilamon na ng kasikatan ang beauty queen-comedienne na si Herlene Budol?

Ito kasi ang isa sa mga pinag-usapan nin Ogie Diaz, Mama Loi, st Dyosa Packoh sa kanilan recent upload sa kanilang vlog na “Showbiz Update”.

Ito ay nag kaugnay sa naganap na coronation night ng Miss Grand Philippines kung saan nakuha ni Herlene ang isa sa korona bilang Miss Tourism Philippines.

Makikita raw kasi na tila hindi masaya ang dalaga sa napanalunang korona at hindi man lang ito ngumiti habang ina-award-an.

“Parang nasilip ko talaga, parang nase-sense ko ‘yong paglaki ng ulo ni Herlene Budol, sorry to say ha. Oh, kaibigan natin si Momshie, Momshie Wilbert, pero sana hindi ito senyales ng paglaki ng ulo,” lahad ni Ogie.

Aniya, may mga naririnig daw siyang mga kuwento ukol sa dalaga mula sa kanyang mga source sa Kapuso network.

Baka Bet Mo: Herlene Budol ‘sinayang’ daw, nangakong gagalingan sa Miss Tourism World

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kasi naririnig ko eh, sa GMA, ‘yong mga pagiging unprofessional ni Herlene din, doon sa taping ‘di ba, at dito rin ‘pag uma-attend siya ng rehearsals ng Miss Grand eh nale-late din siya,” pgpapatuloy pa niya.

Natanong pa nga ni Mama Loi kung true ang chika na may pagka-unprofessional nga ang dalaga.

“Pero hindi nga, totoo nay? Ano ba, may pagka-unprofessional daw ba si Herlene?” tanong ni Mama Loi kay Ogie.

Sagot naman ng talent manager, “Oo, iyon ang naririnig natin. At sana no, lalo na eh sinusubo na lang sa’yo ‘yong mga pagkakataon, ‘yong oportunidad, i-grab mo, ingatan mo, mahalin mo, pahalagahan mo. Kasi nakikita ko talaga, feeling niya sikat na siya. Feeling niya sikat siya.”

Puwede naman daw pabulaanan ni Herlene at sagutin ang mga isyung ibinabato sa kanya dahil ito lang naman daw ang nakarating sa kanya.

Mamaya raw kasi ay i-bash na naman siya ng mga fans lalo na’t marami ring sumusuporta sa dalaga.

“Iyon ang mga nababalitaan natin, ‘yong pagiging unprofessional ni Herlene. Oo, lalo na sa call time. Late-late. Tapos sa call time ng mga rehearsals nale-late din siya.

“Baka sabihin naman nila ako naman pupukulin nila, ako iba-bash nila, eh sige, sagutin ‘yan ni Herlene kung bakit nangyayari ‘yan, bakit may ganong sumbong sa akin na siya ay napaka-unpro,” sey ni Ogie.

Paalala pa niya sa dalaga, “Kaya sana lang no, mabago ‘yong pananaw ko, ‘yong tingin ko kay Herlene, na sana hindi ito totoo.”

Related Chika:
Herlene Budol hakot awards, nasungkit ang titulo bilang Miss Philippines Tourism 2023

Herlene Budol ‘nakatikim’ sa netizens, nasobrahan daw sa ‘pagpapakatotoo’

Boholana beauty queen crowned Miss Supranational 2023 first runner-up

TAGS: Herlene Budol
Latest Stories
Most Read