Life! Showbitz

Joshua Garcia buking ng netizens dahil sa ‘chicken & pork katsu’, dyowa na raw ang French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier

Joshua Garcia at Emilienne Vigier

Joshua Garcia at Emilienne Vigier

ANG TANONGGG!!! Magdyowa na nga ba ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia at ang French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier?

Yan ang usap-usapan ngayon ng mga netizens sa social media matapos nilang maispatan ang magkaparehong litrato na ipinost nina Joshua at Emilienne sa kanilang mga Instagram account.

Hindi raw ito maipagkakaila ng dalawang celebrities dahil maraming social media users ang nakapansin sa kanilang mga IG post kaya feeling nila, magdyowa na nga ang dalawa.

Makikita sa July 24 Instagram post ni Joshua ang mga litrato habang pine-prepare niya ang mga ingredients ng kanyang mga lulutuin sa isang kitchen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)

 

Kalakip nito ang iba pang photo ng mga niluto niyang chicken and pork katsu, honey garlic kitchen, at kinamatisang pampano.

At kasunod nga nito, nabuking ng mga followers ni Joshua na nag-post din si Emilienne sa kanyang IG story ng dalawang litrato na kaparehong-kapareho ng ipinost ni Joshua.

Iyan ay ang picture ng chicken and pork katsu na nilalagyan ng breading at ang naluto nang chicken and pork katsu. Sey ni Emilienne sa caption, “Merciiiiiiiiiii” with matching kiss emoji.

Bukod dito, napansin din ng mga netizens ang latest IG Story ni Emilienne  kung saan makikitang may kasama siyang guy na nakayakap sa kanya sa loob ng elevator.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)

 

Nag-selfie si Emilienne kasama ang lalaki pero hindi naman ito matukoy kung si Joshua nga dahil tinakpan ang mukha nito ng emoji. Pero may mga nagkomento na mukhang si Joshua nga ito dahil sa tindig at bulto ng katawan.

Sey naman ng ilan, mukhang malapit na raw ang dyowa reveal ni Joshua at ni Emilienne na member pala ng women’s golf team ng Taylormade, isang American sports equipment manufacturing company sa US.

Ang buo niyang name ay Emilienne Luciana Gabrielle Vigier. French ang ama ng atleta habang Pinay naman ang kanyang nanay.

RELATED STORIES

Joshua Garcia treats fans with Valentine’s Day harana

Did Bella Racelis unfollow Joshua Garcia on Instagram?

Joshua Garcia on Julia Barretto-Gerald Anderson wedding rumors: ‘Kung saan sila masaya, support ako’

TAGS: athlete, Emilienne Vigier, Instagram, Joshua Garcia, Showbiz news
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.