Celebrities Showbitz

Ricci Rivero, Leren Bautista spotted na magkasamang namimili sa mall, may ‘something’ nga ba?

Ricci Rivero

Ricci Rivero at ang beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista.

MATAPOS ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes, spotted ang basketbolistang si Ricci Rivero kasama ang beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista.

Mukhang patuloy na umuusbong ang magandang samahan sa pagitan ng dalawa dahil huling-huli ang dalawa habang namamasyal sa isang shopping mall.

Isang netizen ang nag-upload ng larawan nina Ricci at Leren na kuha habang abala ang dalawa sa pagtse-check ng mga plushie stuffed toys sa isang store sa loob ng isang mall.

Base sa in-upload ng isang fan account sa X (dating Twitter) na may username na @slayramonaaaa, makikitang nakasuot ng face masks, cap, at eyeglasses ang binata habang nasa tabi naman nito ang konsehala.

May ilan pang netizen na nag-upload ng photo nina Ricci at Leren na kuha naman sa ibang anggulo.

Kaya naman curious ang madlang pipol kung may namumuong “something” na nga ba sa dalawa lalo na’t alam na ng publiko na hiwalay na ang binata sa Kapamilya star.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero sinagot na ang tanong kung totoong meron siyang ‘gay boyfriend’; dinenay na nanliligaw kay Councilor Leren Bautista

Bukod pa rito, may inilabas ring report ang pep.ph kung saan makikita ang dalawa na magkasamang nagdya-jogging sa Freedom Park ng University of the Philippines Los Baños.

Kahit pa naka-face mask ang dalawa ay makikita sa larawang ibinigay ng kanilang source na si Ricci Rivero nga ang lalaki at si Leren ang babae lalo na sa larawang nakatanggal ang mask nito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na na-link ang dalawa sa isa’t isa.

Matatandaang noong hindi pa kinukumpirma nina Andrea at Ricci ang kanilang paghihiwalay ay spotted nang magkasama ang dalawa matapos ibahagi ng beauty queen ang larawan ng binata sa kanyang Instagram story.

Matapos nito ay nagsalita ang basketbolista at kinumpirmang hiwalay na sila ni Andrea.

Base rin sa statement ni Ricci Rivero, ay walang namamagitan sa kanilang dalawa ng konsehala at magkaibigan lamang sila.

Ngunit mukhang mas nagiging close ang dalawa lalo na’t single na ang binata.

Wala pa namang reaksyon si Leren at Ricci hinggil sa isyu.

ALSO READ: Lovelife hugot ni Andrea: ‘Kinaya kong lunukin ‘yung dapat ‘di ko na lulunukin…ganoon ko siya kamahal’

Rebelasyon ni Ricci Rivero sa chikang nag-live in sila ni Andrea Brillantes: ‘There are times that we do sleep together’

Awra Briguela gigil na gigil, pinasasaringan nga ba si Ricci Rivero: Grabe tigas ng fes

 

 

TAGS: Andrea Brillantes, Leren Mae Bautists, Ricci Rivero
Latest Stories
Most Read